Chapter 47: Beach

52 3 1
                                    

-Beach-


Zara's POV

Day 3. Kakatapos ko lang makipag-usap sa phone kaya papunta na kami ngayong lahat sa beach para dun icelebrate ang birthday ni Ki. Simpleng handaan lang naman yung gusto niya since masyado namang bongga pag gagawin pang sosyalin gaya ng kay Josh.

Dala-dala namin ngayon mga pagkain, inumin, mga plato, kutsara, chuchu.

Buti nga at onti lang yung mga tao dito.

"Wooow! Ang ganda pala ng simoy ng hangin dito." masiglang sabi ni Coleen.

"Oo nga eh, dapat pala unang punta palang natin, dito na agad tayo." -Yum

"Si Ivy kasi eh." paninisi ni Maddie.

"Oh bat ako?"

"Wala lang, gusto lang kita sisihin." gaga amp.

"Girls! Tulong naman diyan oh." tawag ni Josh samin.

"Paayos nung lamesa tas yung mga plato na rin, thanks." utos ni Joseph.

"Ayos ah, ano kami utusan?" reklamo ko.

"Luh alangang di niyo ayusin? Sige sa buhangin tayo kumain, dun natin ilapag lahat." sinamaan ko ng tingin si Joseph, kapal ah nang-utos pa.

"Wag mo nga ginagalit love ko, lunurin kaya kita?"

"Ge gawa, baka nakakalimutan mong may utan--" di niya natuloy yung sasabihin niya ng bigla itong tinakpan ni Axel.

"Sabi ko nga hindi na eh."

"Puta baho ng kamay mo!" nagtawanan kami sa asaran nung dalawa. Parang mga baliw.

So ayun nang maayos na namin lahat at nahanda na yung mga pagkain sinimulan naming kantahan si Ki at ayun nga mga wishes namin sakanya at kung ano pa. Natapos kaming kumain nagsilangoy na yung iba sa beach habang yung iba...wala tambay lang. Hanggang sa maggabi na andito parin kami.

Ako lang mag-isa na nakaupo dito sa may tent namin...

"Boo!" panggugulat sakin ni....Axel?

"Pisti ka! Bat ka ba nanggugulat diyan?"

"Haha wala lang, bat mag-isa ka lang diyan?"

"Trip ko lang."

"Ah ganun? Boring naman." wow ah.

"Pake mo ba?"

"Sungit, dahil sa bored lang yan. Tara!" sabay hawak niya sa kamay ko.

"Saan?"

"Papaligayahin lang naman kita." sabi niya ng nakangiti. Grabe yung term ah.

Magkahawak kamay kaming pumunta sa....putek saan nga ba?

"Saan ba tayo pupunta?" napatigil siya sa paglalakad kaya ganun rin ako. "Anyare?"

"Pwede pikit ka muna?"

"Huh?"

"Pikit ka lang saglit."

"Baka pagtritripan mo lang ako ah!"

"Hindi noh! Ako bahala sayo." wala na akong choice kundi pumikit. Hinawakan niya ulit kamay ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Tagal naman.

Huminto na siya at naramdaman ko nalang na bumitiw na siya sa kamay ko.

"Hoy Axel ano ba yan?? Asan ka??" naiirita kong sabi. Mamaya iniwan na ko dito eh!

Di ko na napigilan, dinilat ko na mga mata ko.

"Putek Axel ano ba--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang nasa harapan ko. Omg!

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon