Chapter 11: Late

107 4 0
                                    

-Late-


Yum's POV

"Gusto mo talaga malaman?"

"Oo."

"Dahil yung bestfriend kong pinakamamahal ko, may gusto sa ISANG kaibigan ko!"

"Sino ba?"

"Huwag ka ngang tanga! Sino ba yung hindi ko pinapansin dito?! Sino ba yung nasa harapan ko?!" pagsigaw niya na may halong pagluha. Teka nga...

"What do you mean? Straight to the point na nga kasi, alam mo namang slow ako diba?" t-teka, huwag niyang sabihing.....

"Ikaw! Okay?! Ikaw yung gusto niya!" tuluyan na siyang umiiyak.

"Bakit kailangang ako yung pagbuntungan mo ng galit? Hindi ba pwedeng komprontahin mo muna siya?" kaya siya nagkakaganito ng dahil dun?

"Sakanya na mismo nanggaling yon! Huwag mo muna akong kakausapin please." sabay walkout niya habang umiiyak. Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng luha sa mata ko.

'Bakit tayo magaaway sa iisang lalaki lang?' napagisip-isipan ko nalang na gumala sa park. Wala na kong pakialam sa klase.

Pagdating ko sa park umupo ako sa swing, tulala lang kahit may natira pang luha sa mata ko, hayss. Habang nagmumuni-muni ako dito bigla nalang akong may narinig na nagsalita sa likod ko.

"Ayos ka lang ba iha? Mukhang malaki yung problema mo ah?"

"Ayos lang po ako manong, madami lang iniisip."

"Iha alam kong problemado ka, kung ano man yan dapat ayusin niyo yan. Bata ka pa, madami pang dadaan na pagsubok sayo." ano pa pinagsasabi nito ni manong?

"Ah ano po ibig niyong sabihin?"

"Friendship is stronger than Relationship." pagkakita ko wala na si manong. Makalipas ng ilang oras naisipan ko ng bumalik sa school. Dumiretso na ko sa locker since ako nalang rin magisa, nagpalit na ko at pumunta na sa cafeteria.


~Timeskip


Ash's POV

Nagkwekwentuhan lang kami dito ng makita naming papunta na dito si Yum, na parang namumugto yung mata?

"Oh Yum? Bat ang tagal niyo? Tsaka asan si Coleen?" tanong ni Ki. Nakatulala lang si Yum at hindi na sinagot yung tanong, hala ano nangyariii?

"Uy ayos ka lang?" tanong pa ni Maddie pero di parin sinasagot, hay nako.

"Guys, bili lang ako ah?" -ako

"Taena ka Ash, kanina ka pa bili ng bili. May dragon ba sa tiyan mo?!" -Zara

"Oo, sinasabi ng alaga ko na gutom na daw siya." tas umalis na ko para pumila. Pagkatapos kong bumili, habang naglalakad na ko pabalik sa table namin bigla nalang...

*BAM!!

Nadapa ako kasama yung mga binili kong pagkain. Nak ng...

"PUTA!" sigaw ko. Pagtayo ko nakita ko sila Audrey na nagtatawanan kaya kinompronta ko sila.

"Hoy kayong mga pokpok diyan! Sumosobra na kayo ah!" galit kong sigaw sakanila.

"Ayy sorryyy." pilit na plastik na pagsabi ni Audrey. Nagsitinginan yung mga estudyante dito.

"Ulol! Sorry mo mukha mo!" sabay susuntukin ko na sana kaso may biglang pumigil sa kamay ko, si Ivy.

"Oy Ash tama na yan! Walang mangyayari pag makikipagaway ka pa sa tatlong babaitang yan!" sabi ni Zara, hinila nalang nila ako papunta sa cr para makapagayos kasi duming-dumi yung uniform ko dahil sa mga pagkain. Sayang! Yung pagkain!

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon