Chapter 20: Drunk

88 4 3
                                    

-Drunk-


Tristan's POV

Habang hinihipan ko yung mata ni Ivy, bigla nalang may sumuntok sakin kaya napaupo nalang ako bigla.

"Problema mo pre?!" sigaw ko sa lalaking sumuntok sakin.

Parang familiar kaso medyo madilim, di ko makita mukha nya.

Di niya ako sinagot at sinapak ulit kaya ganon nalang din ginawa ko.

Maya-maya may umawat samin na mga bouncer at hinila nung lalaki si Ivy kaya umalis nalang ako at umupo sa upuan na kung saan nakaupo kanina si Ivy. Sino ba yung gagong yun?


Maya-maya nakita ko sya.

"Ivy, bat andito ka?" bungad ko sakanya.

"Wala." -Ivy

"Bat di mo kasama yung lalaki? Sino ba yun?" familiar talaga eh, hindi kaya si...

"Wala, basta wag mo na pansinin. Pag pasenyahan mo nalang ah, nakainom."

"Ok lang. Ikaw? okay ka lang ba?"

"Oo. Halika, gamutin ko yang sugat mo."

"Ahhh sige." kaya ayun nanghiram siya ng bulak at betadine dun sa bouncer. Kapal naman pala ng mukha nito.

"Oh wag ka malikot ah." unti-unti niyang nilalagay sa sugat ko yun.

"A-Aray."

"Sorry, mahapdi talaga toh eh. Tiisin mo nalang." habang tinutuloy niya yun di ko maiwasang tumitig sakanya.

Mga ilang minuto.

"Oh yan, tapos na."

"Salamat."

"Wala yun, tara balik na tayo sa loob." aya niya sakin.

"Sige." tumayo na kami at sabay pumunta sa loob ng bar.

Pag pasok namin...

"Ano nangyayari dito?!" -Ivy


Maddie's POV

Pagkalabas ni Ivy tinuloy lang namin tong laro. Medyo lasing narin ako putek. Sakin nanaman tumapat yung bote.

"Maddie, truth or dare?" -Yum

"Dare."

"Kiss mo si Haden."

"Ulol?" lah yun pa talaga??

"Dali naa, cheeks lang naman eh." tumingin ako kay Haden para alamin kung payag ba siya sa gagawin ko. Huhuhu tatanggihan ko na sana kaso baka lalo na kong malasing niyan. Tinanguan ako ni Haden, sign na payag naman siya.

Lumapit ako sa tabi ni Haden at medyo nagaalinlangan pa. Lalapit na dapat yung labi ko sa pisngi niya...

"Ang tagal!" biglang sigaw ni Ivan kaya lumingon si Haden. To the point na hindi na sa pisngi niya dumikit yung labi ko.



Kundi sa labi niya rin...

"OWEMGEEEEE/WOOOH YUN OHH!" tili ng mga babae at lalaki.

Parehas kaming nagulat kaya nung narealize namin yun bigla nalang kami humiwalay sa isa't isa.

Tanginaaaa pulang pula na kooo! Bakitttt?? Pota first kiss ko paaaa!

Tinignan ko siya at parang wala lang sakanya kasi ang tahimik. Puta buti ka pa kaya mong kumalma. Sana ol.

"Takte Maddieee! Kayo ahhh!" -Ash

"Mga gago! Ang iingay niyo kase!"

"Luh kasalanan pa naming lumingon si Haden." -Coleen

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon