Chapter 31: Cr

76 4 2
                                    

-Cr-

Halos magpatayan na kami dito ng biglang bumukas yung pintuan ng cr at....putangina!

.......

Napatigil kaming lahat sa away ng bigla kaming naka-amoy ng masamang hangin. Punyeta!!

Kaya lahat kami napatigil at napatakip ng ilong. Tinignan namin kung sino yung lumabas at nakita namin si...Yum??

"Ano ba yan, kakatapos ko lang tumae yan agad makikita ko?!?" wow ikaw pa may gana magreklamo hayup.

"Fuck you Yum! Ilang years mo yan pinigilan?!" sigaw ni Zara na nakatakip rin yung ilong.

"Grabe naman toh."

"Grrr!! I hate this! Let's go girls, masyadong madaming germs dito! Ewww!!" maarteng sinabi ni Audrey at umalis na kasama yung mga alipores. So ayun marami-rami silang pasa at pulang-pula ang mga pagmumukha.

"Hoy panget! Kala mo naman di mo naranasan tumae! Gaga ka!" pahabol ni Yum.

"Pero Yum seryoso....ano kinain mo at ganyan kinalabasan?" tanong ko sakanya. Hayup di parin nawawala yung amoy!

"Ewan ko rin eh, kanina pa kasi masakit tiyan ko."

"Puta ka Yum! Naglabas ka pa ng atomic bomb diyan!" -Zara

"Tara na nga! Baka mamatay pa tayo pag nagistay tayo dito eh." aya samin ni Ki. Syempre sumangayon na kami dun noh! Ano magtutulungan kaming suminghot para mawala yung amoy? Jusme.

Papunta na dapat kami sa locker para mag-ayos ng bigla naming nadaanan yung mga tropa except kay Joseph na wala dun.

"Oh anyare sainyo? Para kayong mga nakipagsapalaran diyan." -Ivy

"Oo nga, tsaka bat nakatakip kayo ng ilong?" tanong ni Axel. Nung narealize namin yun syempre inalis na namin yung kamay namin na tumatakip sa ilong.

"Jusko mga teh, long story...tanong niyo diyan kay Yum." badtrip na sabi ni Zara.

"Utut bat ako." -Yum

"Nako teh ewan ko sayo." -Zara

"Ano ba kasi nangyari?" -Ash

"Nakipagsapakan lang naman kila Audrey." -Ki

"Ano?!" sabay nilang lahat na sabi. Nilapitan agad ni Axel si Zara. Awts wala si Joseph wahahah.

"Ayos ka lang Zara??" tarantang tanong ni Axel.

"Tingin mo? Baka gusto mo subukan?" nagtataray nanaman toh.

"Bat di niyo sakin sinabi?? Edi sana di na sila buhay ngayon!" -Ash

"Ba malay ba namin, nakita ko lang naman na nakikipagsapakan na tong dalawa kaya syempre makikisali na ko." -Zara

"Eh bat ba kayo nag-aaway?" tanong ni Coleen saming dalawa ni Ki.

"Nakita ko lang rin si Maddie tas bigla rin ako sinugod." -Ki

"Maddie?" kaya tumingin silang lahat sakin.

"Tss nakaabang kasi silang tatlo sakin kanina sa labas ng cr at..." napatigil ako at tumingin kay Haden which is nakatingin rin sakin.

"At?" -Ivan

"Ayun, sabi ni Hailey inagaw ko daw si Haden chuchu.."

"Ano?!?" yan nanaman sila. Nakita kong parang gulat na gulat yung itsura ni Haden.

"Edi pinagtulungan ako, pero syempre di naman ako pumayag."

"Nakakainis talaga yung mga yunnn! Piste!" -Ash

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon