Chapter 63: Traitor

48 2 0
                                    

-Traitor-


"So alam niyo palang lahat.."

Nagulat kaming lahat ng makita si Yum sa may hagdanan, di ko napansin putek.

"Alam niyo pero di niyo sinabi saken?! Anong klase kayo ha?!" may namumuo nanamang luha kay Yum. Taena.

"Y-Yum.." - Coleen

"Bakit hindi niyo sakin sinabi agad ha?! Edi sana nakapaghanda ako diba? Edi sana di ako masyadong nasasaktan ng ganito hindi ba? Pero bakit niyo tinago saken?!" walang makapagsalita samin. Nakikichismis lang naman ako tas biglang ganito amputcha.

"Sorry Yum, gusto muna kasi namin masigurado kung totoo ba yung hinala namin bago namin sabihin sayo eh..." mahinang sabi ni Ash.

"Pero nasabi niyo ba agad ha? Kita niyong sa masakit na paraan ko nalaman tas kayo naman may ideya na pala tas di niyo manlang ako sinabihan!"

"Eh hindi naman namin alam na sa ibang paraan mo malalaman eh, kung alam lang naman namin edi sana una palang sinabi na namin sayo." mahinahong sambit ni Coleen.

"Sana kasi sinabi niyo nalang agad!"

"Eh sa ayaw naming pangunahan si Ivan eh!" shit nagagalit na si Zara. Agad siyang inawat ni Axel. Kahit naman engaged na si Axel nanatili parin kaming magkaibigan lahat, including them kahit masakit. Pero mas masakit yung nangyayari ngayon fuck.

"Wow ha? So hahayaan niyo lang na masaktan ako ng ganito ganon?"

"Tumigil ka nga Yum! Alam mo napaka isip bata mo!" pagalit rin na sabi ni Coleen kaya agad kaming lumapit dahil baka kung ano pa mangyari sakanila.

"Ako pa talaga? Palibhasa kase napaka perpekto ng buhay mo! Kayo parin ni Josh tas wala pang kontrabida na umeepal sa relasyon niyo! Tas ako pa isip bata?! Di mo kasi alam yung feeling na sarili mong kaibigan di agad nagsasabi sayo!"

"Kailangan lahat alam mo agad? Sabi nga ni Zara na ayaw namin pangunahan si Ivan diba?! Kasi baka nagkakamali lang kami o kaya baka pinsan niya lang yun, ayaw namin mangjudge agad Yum ano ba?!" umiiyak na rin si Coleen dahil sa sagutan nila.

Nahihirapan na magsalita si Yum dahil sa pagiyak niya.

"Ang gusto ko lang naman maging honest kayo sakin...hiniwalayan na ako ni Ivan sa masamang paraan tapos malalaman ko pa na may alam pala kayo..s-sobrang sakit..."

"Yum..." tawag ko at napabuntong-hininga. "Sasabihin nga talaga dapat namin sayo kaso nga lang, mas magandang kay Ivan mismo manggaling, kaya nga sabi ko sayo dati na kausapin mo siya diba? Sadyang maling oras yung napili mo para kausapin siya."

"So ako pa mali?" anak ng..

"Putek Yum! Kanina pa kami nageexplain dito ano ba?! Pwede ba umayos ka?!" di na napigilan ni Coleen kaya agad siyang lumabas ng dorm at agad rin siyang sinundan ni Josh, napaupo nalang sa sahig si Yum.


Third person's POV

Hindi nila alam ang gagawin ng makita ang nangyayari. Gusto sana nila lapitan si Yum kaso alam nilang galit ito sakanila.

Nagsenyasan silang lahat na pumunta sa kwarto nila Zara at Ki kaya yun ang ginawa nila at hinayaan munang mapagisa si Yum dahil baka yun ang gusto niya.

"Ano na gagawin natin neto?" tanong agad ni Ivy pagkapasok namin sa kwarto.

"Hindi ko na alam." sabi ni Ash.

"Parang tanga kasi, nag-explain na nga pero ayaw naman makinig." medyo naiinis parin na sabi ni Zara.

"Tama na yan, kailangan nalang natin malaman kung paano ayusin toh." sambit ni Maddie.

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon