-Jealous-
Yum's POV
Maaga akong nagising, natrauma sa nangyari kagabi eh. Kaya pumunta ako sa garden.
"Coleen." tawag ko nang maramdamang may tao sa likod.
"B-Bakit?" alam ko namang siya yun eh.
"May sasabihin ka ba?"
"W-Wala."
"Kilala na kita Coleen, ano yun?"
"Kasi uhmm..."
"Ano?"
"Gusto ko lang sana kamustahin ka."
"Para saan?"
"Dahil sa nangyari."
"Ah, wala yun."
"Sure ka?"
"Oo." onting katahimikan ang bumalot samin. Pero maya't maya..
"Sorry." rinig kong sabi niya.
"H-Ha?" nagtataka kong tanong.
"Sorry... Kasi ikaw yung sinisi ko, ikaw yung pinagbuntungan ko ng galit, nagalit ako sayo ng dahil lang sa napakaliit na bagay. Sorry." kita kong napapaluha na siya pero pinipigilan niya lang. Naalala ko yung sinabi ni manong...
"Sorry rin, sorry kasi nasaktan ka pa ng dahil sakin."
"Okay lang yun noh, naiintindihan ko naman na....na yung bestfriend ko, mahal rin yung isa kong bestfriend." mahinhin siyang ngumiti pero may halong kalungkutan.
Kaya bigla ko nalang siya niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik dahilan ng pagtulo ng kanyang luha.
"Okay na tayo ah?" -Coleen
"Oo naman." sa kalagitnaan ng pagyayakapan namin bigla nalang kaming may narinig na nagsalita sa likod. Paglingon namin, gulat kami nang makitang lahat na sila andun. Mga panira putek. Nagmomoment eh.
"Yeheey, bati na silaaa yiiie." -Ash
"Napakadrama niyo." epal ni Zara, kita ko pang hinampas pa siya ni Ivy.
"Hay nako, buti naman at nagkaayos rin kayo jusko. Para kamo kayong tanga na nagiiwasan nalang palagi amp." -Maddie
"Oo nga, takte nakakagago na eh." -Ivy
"Mga epal talaga kayo noh?" sabi ko sakanila.
"HAHAHAHA tara na sa loob, tama na diyan sa drama niyo nagugutom na ko." -Ash
"Putek kelan pa hindi." -Coleen
Nagsitawanan muna kami bago pumasok na sa loob. Tawa lang kami ng tawa sa mga pinagkwekwentuhan namin.
Pagkatapos namin kumain, since bati na nga kami naisipan naming lahat na magbonding. Buong araw kung saan saan kami pumupunta at gumagala.
Masaya ako kasi bati na kami ni Coleen. Pero kinginang Josh ano ba pinagsasabi niya?!
~Kinabukasan
Coleen's POV
Pasukan nanaman ngayon. Sobrang saya ko kasi nagkaayos na kami ni Yum. Pero naisipan kong kausapin si Josh kaya inantay ko siyang makarating sa klase.
Nung pagdating niya kinausap ko siya.
"Uy Josh!"
"Oh Coleen, bakit?"
"Ahm, may sasabihin lang."
"Ano yun?"
"Pwede sa court?" inaya ko siya dun kasi wala naman tao.
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA