-Comatose-
(Pakiplay po yung nasa taas habang binabasa, para kunwari damaXD)
Third person's POV
Pagkarating ni Sage sa hospital
nagtanong agad siya sa information desk kung saan yung room ni Ash.Nung nandun na siya parang nagslowmo yung mundo niya...
Ang hirap para sakanya nang makita si Ash ng ganito. Di niya na maiwasan, unti-unti ng pumapatak yung mga luha niyang kanina pang gustong lumabas.
Siraulo man si Sage pero kahit papano may soft side talaga siya lalo na pagdating sa mga mahal niya, mama's boy eh.
Naglakad siya ng paonti-onti sa may gilid ng kama ni Ash.
"H-Hoy....a-ano ba? Bumangon ka nga diyan. Di pa ko tapos sa mga pangaasar ko sayo, l-liligawan pa kita t-tapos sasagutin mo pa ko at tutuparin natin mga pangarap natin. Tas kapag nagkaroon na tayo ng perang sarili nating pinaghirapan, magpapakasal pa tayo...magkakaroon ng isang swimmer at basketball team na anak..." mapapatawa siya ng onti dahil sa mga pinagsasabi niya pero napaiyak din ulit.
"Makikita nating lumaki sila at ang mga apo natin...kaya please Ash, Yoona Ashter Montefalco please! Gumising ka para sa akin, para sa pamilya mo...PLEASE I LOVE YOU ASHTER! Gumising ka na para sakin..." humahagulgol na siya pagkatapos sabihin yun....
"Tch! Can you please shut up? Ang ingay mo at pwede ba? Hindi pa ako patay for pete's sake! Sumasakit ulo ko sayo, plus tumigil ka na sa kakaiyak mo...di bagay sayo. Drama queen, okay tch!" pero sa kaloob-looban ni Ash kinikilig talaga siya. Nagulat si Sage nung makitang gising si Ash.
"G-Gising ka? Kanina ka pa ba gising? Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Wag ka munang gumalaw, b-baka mabinat ka...p-p-pero t-teka n-narinig mo ba? Narinig mo ba lahat? Lahat-lahat ng sinabi ko? A-Ash?" parang nangingisay ah.
"Oo, kanina pa ako gising dahil sa kaingayan mo at okay ako KANINA...sumakit lang ulo ko dahil sa kaingayan mo at yung huli mong tanong..." tumingin siya kay Sage at ngumisi.
"Malamang maririnig ko yun, may tenga ako eh atsaka wag ka ngang O.A na parang onting galaw lang ng daliri ko eh mahihimatay na ako, tch! May pa sigaw-sigaw pang i love you kala mo talaga ang layo ng kinakausap."
"Y-Yung mga narinig mo.... Hindi totoo yun! Joke lang yun para malaman ko talaga kung nagtutulug-tulugan ka lang! Hindi totoo yun!"
Tologo bo?
"Talaga? Hindi totoo? Well...kung hindi totoo, edi hindi. Sayang crush pa naman kita, kaso napagisip-isip ko wag nalang pala...hanap nalang ako ng bago...yung hindi TORPE, tsk tsk!"
"Hehehe eto naman hindi mabiro, syempre yun talaga yung joke! G-GustotalagakitaAsh matagalnasimulang makitakitagustonakita kasonatotorpeako." mahina at mabilis niyang sinabi pero naintindihan ni Ash. Laban kaya sila ni Yum noh? Yung rap battle, ano ba tawag dun? Flip flop?
"Ano yun? Di ko narinig yung panghuli eh, pakiulit nga...yung MALAKAS at MABAGAL." ngumisi ito kay sage. Medyo iba na yun ah.
"A-Ano kasi..." nahihiyang banggit ni Sage.
"Dali na! Or baka gusto mo mag-hanap talaga ako?" pananakot ni Ash.
"E-Eto na! G-Gusto talaga kita Ash...matagal na, simula ng makita kita, gusto na kita kaso natotorpe ako sayo kaya sa way ng pangaasar ko nalang ginagawa para mapansin mo ko. Ewan ko ba nung akala ko nung una nakyutan lang ako sayo kasi ang takaw mo pero di ka tumataba, pero nung naklaro ko na yung nararamdaman ko sayo dun na ako naka sigurado na di lang dahil na kyukyutan ako sayo, nagkagusto na pala talaga ako sayo." hindi siya makatingin kay Ash at namumula ang mga pisngi.
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA