Chapter 52: Paranoid

51 3 2
                                    

-Paranoid-


Coleen's POV

Ako lang mag-isang naglalakad ngayon sa hallway. Walanghiya yung mga kasama ko iniwan ako, ako lang kasi vacant tas sila puro may klase. Si Josh kasi nagrereview pa, may exam kasi sila. Hayss.

Ano ba yan ang lonely ko dito huhuhu. Ayy sino yun? Malapitan nga. Parang may tao dun sa may tabi ng cr eh.

"A-Anong sabi m-mo?"

"Break na tayo." ay hala mukhang may maghihiwalay, makinig ba ako?

"H-Hindi!"

"Ano ba Kate? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na kita mahal at hindi kita minahal." sige makikinig nalang ako.

"B-Bakit? Ano bang kulang ha??"

"Ano ba pinaglalaban mo? Alam mong simula palang peke lang tong relasyon natin."

"So? Kasalanan ko ba kung nahulog ako sayo ha?"

"Tsk, I knew this was a bad idea."

"No! Di tayo magbrebreak! Mahal kita Rylan!" Rylan? Yan ba yung kaibigan ni Ki?

"What the fuck, Kate? Pwede ba? Huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka mahal, ipinapakita mo lang na masyado ka ng desperada sa pagkuha ng pagmamahal ng ibang tao." oouchh!

Woahh! Intense nun ah, nakanood ako ng live drama hehe.

Paalis na dapat ako kaso takte nahuli ako ni Rylan.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya sakin.

"Uhh hindi.." pagmamaang-maangan ko. Baka lang naman makalusot.

"Tsk, kung ano man nakita at narinig mo, kalimutan mo nalang yun."

"Bat mo hiniwalayan?" diretso kong tanong, di naman sa chismosa ako.

"Di mo ba narinig yung salitang 'di na kita mahal'?" ay onga pala.

"Di, I mean, bakit niyo kasi pineke relasyon niyo? Di mo manlang minahal kahit onti?"

"No."

"Why?"

"It's not worth it."

"Ouch." sakit nun ah.

"Yeah.." saglit kaming natahimik hanggang sa nagpaalam na siya.

"Sige, mauuna na ko."

"Sige." at umalis na siya.

"Uhm, pwede bang huwag mo nalang sabihin kay Ki yung nangyari?"

"Bakit naman?"

"Basta."

"Okie." at umalis na siya.

Ako nanaman mag-isa dito, yey. Kaso bat kaya ayaw niya ipasabi kay Ki? May tinatago? Ano kaya yun?

"Oh mukha kang inagawan ng candy diyan, nyare sayo?" gulat akong napalingon sa nagsalita.

"Uy Ash!"

"Gulat na gulat teh?"

"Wala lang."

"Bat mag-isa ka lang dito?"

"Iniwan niyo ko eh."

"Wow ah!" makareact ah. "Samahan mo nalang ako sa labas, nagugutom na ko, gusto ko ng street foods."

"Nako teh may dragon talaga sa tiyan mo."

"Oo, at kailangan na nila ng makakakain kaya tara na." hinila niya ako at sabay kaming pumunta sa .


The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon