Chapter 40: Accident

71 4 0
                                    

-Accident-


Ki's POV

Yung tipong unang page palang ng test paper...oo test paper, ganyan ang quiz namin.

So ayun, kahit mahirap kinaya ko parin naman...ako pa nga unang natapos eh. Tsaka vacant na ko sa next subject kaya andito ako ngayon sa mall para magpalamig at kumain na rin.

Habang nakain ako ng hamburger bigla nalang may lumapit sakin. Putangina sabi ko na nga ba eh.

"Ms. Ritsou, pinapasundo ka po samin ng daddy niyo." tumango ako at sumunod sakanila.


"Teka, yung kaaway ba ni papa yun?" sabay turo ko sa kawalan. Tumingin sila kaya nakahanap na ko ng tyempo para tumakas. Asa namang sasama ako.

Tumakbo ako at naghanap muna ng tataguan, tangina naman bat walang--.....ayun! Nagtago ako sa may likod ng kotse.

"Asan na yun?"
"Patay tayo kay boss niyan."

Habang inaantay ko silang makalayo bigla nalang may tumapik sakin.

"Uy!"

"Ay puta!" bigla kong tinakpan yung bibig ko kasi baka narinig ako. Gago naman neto.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Nagtatago."

"Kanino?"

"Basta! Wag ka nalang maingay." sumilip ako at nung nakitang wala na sila umalis ako sa may kotse kaya hihilain ko na dapat si Joseph kaso biglang may bumangga sakin sa likod dahilan para madikit yung labi namin ni Joseph.

"Natakasan tayo ni Ms. Ritsou!"

Hihiwalay ko na sana yung labi namin kaso nakita kong pinipigilan niya, problema neto?!

"Babe naman, sorry na oh." what the fuck? Nung nakita kong tuluyan ng umalis yung mga bodyguards tsaka ko lang siya hinampas.

"Gago ka ba? Anong trip mo ha?"

"Tinutulungan ka na nga eh, kesa naman lingunin mo pa sila?" sabagay. Teka!

"Pano mo nalaman na-"

"Sila yung tinataguan mo? Obvious naman, Ms. Ritsou daw eh."

"Bat ka ba andito?"

"Nabored ako sa school kaya pupunta na sana ako sa mall kaso nakita kita kaya ayun, lumapit na ko."

"Ahh." saglit kaming natahimik ng magring yung selpon niya.

"Hello?" nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita.

"Ano?!....ano nangy--nevermind...sige papunta na kami...." pagkababa niya ng selpon niya tsaka siya bumaling sakin.

"Sino yun?" tanong ko.

"Kelangan natin pumunta sa hospital."

"Huh? Bakit?"

"Tumawag si Yum, naaksidente daw si Ash."

"ANO?!" hinila ko na siya agad para maghanap ng taxi at pumunta sa ospital.


Ash's POV

Taena wala kaming teacher sa dalawang subject kaya free na free akong gumala wooh!

Andito ako ngayon sa simbahan...syempre may onting bait pa naman ako, hehe.

"Hi mga bebeh!" tawag ko sa mga bata at sabay-sabay silang niyakap.

"Hi po ate Ash! Namiss ko po kayo!" ngiti sakin nung kyutie na toh. Emeged.

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon