-Sick-
Ivy's POV
Ang tagaaal! Potek! Andito kasi ako sa cafe, inaantay yung hinayupak kong kaibigan. Syempre nagcutting ako wahahahha! Nakakatamad pumasok, may quiz eh. Kaya naghanap lang ako ng pwedeng landiin. Kaso puta puro may jowa. Edi kayo na.
Kanina pa ko tumitingin sa relo ko, ano walang balak? Nakita kong bumukas yung pinto.
Hay salamat dumating na ang gago.
"Hoy ungas! Ang tagal mong gago ka!" binatukan ko siya agad pagdating niya.
"Hehe sorry, may dinaanan pa ko eh."
"Ano naman yun ha?"
"Eto." sabay pinakita ang isang supot at inabot sakin. Tinignan ko yung laman...
"Omoooo! Thank youuu, lab na lab talaga kita." habang niyakap-yakap ko siya wahahaha! Puro make-up kasi eh waaah!
"Yuck! Kadiri ka! Layuan mo nga ko!"
"Arte mo!"
"Ayoko madikitan ng germs." wow ah?
"Tsk ewan ko sayo! Tara libre mo na ko." sabay hila ko sakanya sa upuan.
"Aba? Yan tayo pagdating sa libre eh." hehe. So ayun nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Siya nga pala si Jian, ang aking kababata. Lagi nga kaming magkasundo niyan eh. Ayun malayo yung school na pinagaaralan niya kaya minsan lang ako mabisita dito.
"Namiss kitang kupal ka! Ano musta lovelife?" tanong ko sakanya ng makitang nakatingin siya sa mag-syota dun.
"No need. Ikaw?" naalala ko tuloy bigla si Tristan, tangna feel ko namula pisngi ko.
"Woah so meron nga, sino yan ah?" since ang hirap siyang takasan edi syempre kinwento ko na. No problema naman kasi mapagkakatiwalaan toh.
"Yiiie lumalablayp ang kupal." sinamaan ko naman ng tingin.
"Oh siya mauna na ko, may pupuntahan pa ko." sabi niya kaya sumabay na ko sa paglabas.
"Oh sige ingat ah? Baka may matikman ka sa daan." tas kinindatan ko siya, wahahahha!
"Gago! Sige na." niyakap ko muna siya ng mahigpit kaso pagkalas ko sa yakap bigla nalang siyang napahiga. What the fuck?!
"Hoy Tristan! Ano bang problema mo ha?!" pigil ko bago nilapitan si Jian, tangina ayan nanaman eh.
"Sino yan ha?! Sino yang gagong yan?!"
"Kaibigan ko siya ano ba?!"
"Kaibigan ha?? Eh bat kayo magkayakap?!"
"Aba malamang, kababata ko siya eh!" tinulungan kong tumayo si Jian.
"Kababata lang? Sigurado ka? Eh parang may gusto pa sayo yan kung makatitig sayo eh!" Puta!
"Anong gusto?! Gago ka?" akmang susuntukin na ulit ni Tristan si Jian ng bigla nalang sumigaw si Jian.
"AHHH! TAMA NA!" kaya napatingin kami sakanya. Oh no...
"Magkababata lang kami okay?? Tsaka never akong magkakagusto sakanya!" buti walang tao pota.
"At pano ako makakasigurado diyan ha??"
"Kasi.."
"Kasi?"
"K-Kasi..."
"Kasi ano?!"
"KASI BAKLA AKO!" nanlaki yung mata ni Tristan sa narinig. Takte!
"Di naman siya yung tinitignan ko eh, yung liptint niya!" hayup.
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA