--Edited--
Apat na buwan ko siya kasama sa isang bubong,
Apat na buwan na pinuputakte niya ako ng asar,
Apat na buwan ko naririnig ang kahambugan niya,
Sa Apat na buwan na yun ay nagsimula ang storya namin.
Akala ko ay hindi na sasaya ang bakasyon ko dahil sakanya,
Akala ko lang pala yun.
Akala ko ay siya talaga yung totoong siya na nasa eskwelahan kami,
Akala ko lang pala yun.
Pinaramdam niya saakin na gagawin niyang kakaiba ang bakasyon ko,
Pinaramdam niya saakin na hindi siya basta bastang lalake,
Pinaramdam niya saakin ang saya, inis, selos at lungkot,
Pinaramdam niya din saakin ang isang bagay na bago saakin.
Cliche man pakinggan para sainyo pero wala kayong magagawa,
Katulad man ito sa mga love story na nababasa niyo sa isang libro,
Ayos lang because love itself is Cliche.
My name is Charlene Kaye Domingo and this is how my vacation became a roller coaster ride to a realization of feelings.
----------------------
Sinisimulan ko na po i-edit ang story at medyo ire-revise ko po siya, Yung mga ibang boring happenings pero wag po kayo mag alala, Hindi ko naman babaguhin ang story. Yun lang! :D
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...