Kaiden POV
Hayys! Naiinis na ako dito kay ate! Pano ba naman kasi! Walong beses niya ng kinukwento saking yung kapatid ng best friend niya! Ang cute daw tapos ang liit! Ano yun duwende?
"Pag nakita mo siya sigurado akong maku-kyutan ka sakanya!" Ani ate.
"Bahala ka nga diyan!" Usal ko sabay labas ko. Nabungaran ko doon si daddy na kauuwi lang.
"Kaiden? Saan ang punta mo?" Tanong ni dad.
"Dad, pupunta lang po ako sa bahay ni kenzo" anas ko.
"Osige! Go ahead" ani daddy. Hindi na ako gumamit ng kotse dahil malapit lang naman ang bahag nila kenzo. Habang naglalakad ay biglang may asong lumapit saakin at dinidilaan ang paa ko.
"Yuck! Let me go! Kadiri yung laway mo!" Inis kong sabi. Bigla naman lumapit yung amo ng aso.
"Hoy ikaw! Ilayo mo nga saakin itong aso mo!" Inis kong sabi. Sinamaan naman niya ako ng tingin, tss! Pake ko sakanya?!
"Pochi stop!" Usal nito. Ang panget naman ng pangalan ng aso niya.
"Alis!" Inis kong sabi. Tinahulan naman ako ng aso niya pero hindi ko na iyon pinag aksayahan pa ng oras.
Wala pang limang minuto ay nakapunta na ako sa bahay ng kaibigan kong si kenzo. Hindi na ako nag aksaya ng oras para mag door bell dahil pumasok na agad ako doon. Hindi naman kasi ako mapagkakamalang trespassing dahil sa gwapo kong to!
"Hoy! Hindi ba uso sayo ang mag doorbell!?" Inis na sabi nito.
"Hindi! Pero yung salitang gwapo oo!" Anas ko sabay halakhak.
"Ang hangin mo bro! Baka tangayin ka!" Usal nito.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay humilata ako sa mahabang sofa nila. Binigay nito saakin ang mga gamit para sa project.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko
"Ikaw na gumawa ng project tinatamad ako" aniya. Amp! Edi sana nag solo nalang ako!
"Kupal ka ba? Kaya nga tayo mag partner!" Usal ko.
"Oo na! Oo na!" Anas nito. Binatukan ko siya dahil saa asar ko sakanya.
Astraea POV
Alaskwatro na ng hapon kaya umuwi na ako kasama si pochi, habang nag lalakad ako ay naisipan kong kausapin si pochi yung nag iisang bestfriend kong aso.
"Pochi, wag ka ng lalapit sa lalaking yun ah! Baka makita nalang kita na lumulutang na yung katawan mo sa pasig river!" Anas ko.
Ng nasa harapan na ako ng bahay namin ay pumasok na ako doon. Tumakbo si pochi sa kusina habang si ate ay nakapameywang sa harap ko.
"Saan ka ba galing ha?" Ani ate.
"Pinasyal ko lang naman so pochi, bakit?" Usal ko.
"May isang oras ka pa para mag ayos ng sarili mo dali!" Aniya.
Umakyat na agad ako papuntang kwarto ko at nakita ko si mommy na nag hahalungkat ng damit.
"Astraea, ito ang susuotin mo binili ko lang yan kanina dahil ang sabi mo ay may party kayong aattenand" ani mommy.
"Sige po ma!" Anas ko at dumiretso sa banyo.
Ng matapos akong maligo ay sinuot ko na ang dress na binili para sa akin ni mommy.
"Mommy bakit ganitong dress naman ang binili niyo sakin?" Usal ko.
"Eto ang first party na aattenand ng bunso ko kaya gusto kong maging maganda ka" ani mama.
Pag tapos akong ayusan ni mama ay lumabas na kami ng kwarto ko.
"Daisy bantayan mo ang kapatid mo" ani mommy
"Yes po ma! Mauna na po kami" ani ate.
Nauna na akong sumakay sa kotse at sumunod naman na pumasok sa kotse ay si ate dahil siya ang mag da-drive.
~~~~~~
Bumaba na kami sa kotse ni ate at halos namangha ako sa ganda ng bahay este mansion. Pumasok kami sa loob at maraming tao na ang naroon. Pumunta kami ni ate sa garden at mas marami ang nandoon.
"Daisy! Kanina ko pa kayo hinihintay!" Ani ate maddie.
"Hi Astraea!" Bati saakin ni ate maddie. Kinawayan ko lang siya at nginitian.
"Tara doon tayo sa kitchen" ani ate maddie, tumango lang kami sakanya.
Pagdating namim doon ay mat dalawang lalaki na sinosolo ang mga pagkain na nasa lamesa.
"Hi ate shyra! Hi ate daisy kamusta kana pala?" Aniya. Waah! Kilala niya si ate? Pero teka! Oh my! Siya yung lalaking gwapong cute! Kyahhh! Kilala niya pala si ate!
"Okay lang naman! Siya nga pala si irish kapatid ko" ani ate. Napatingin naman yung dalawang gwapo saakin at nginitian ako.
"Hi im Kenzo Alderidge!" Aniya at nakipag shake hands ako sakanya.
Kyahh! This is heaven!
"I'm Westley de loughrey and you are?" Sabi naman niya.
"Astraea Irish" anas ko at inilahad niya ang kamay niya upang mag shake hands kami.
Grabe ang tangkad nilang dalawa! Walang wala yung height ko! Pero infairness ang gwapo talaga nila!
"Yahh!"
"Kaiden, buti naisipan mo pang lumabas ng kwarto mo" ani ate maddie.
"Nagugutom ako" sagot nito.
Siya... Siya yung gwapong suplado kanina na umaway kay pochi ah! Tsk! Tsk! Kapatid pala siya ni ate maddie! I don't care! Magkunwari nalang akong hindi ko siya kilala.
"Hoy bata! Bakit ganyan ka makatingin sakin!" Aniya.
Ano daw? Bata? Ako ba yung sinasabihan niya? Tanga ba siya!?
"Hoy ka rin! FYI seventeen year old na ako no!" Anas ko.
"Ah pasensya na pang elementary kasi yung height mo" aniya sabay alis.
Aba! Letche yun ah! Pasalamat siya nandito ate at mga kaibigan niya kaya hindi ako makaganti sakanya! Tsk! Ipapahaunting ko siya kay pochi at ipapalapa ko ang kapre na yan!
"Pasensya kana Astraea sa kapatid ko ah? Abnuy kasi yun e" ani ate maddie.
Nako! Wag lang talaga kaming magkikita ulit! Ipapalapa ko talaga siya sa alaga ko!
"Ay okay lang po ate hehe ganun po talaga siguro pag kakalabas lang sa-"
bigla akong napatakip sa bibig ko dahil muntik ko ng masabi huhuhu please goodgirl ako!
Totoo namang takas sa mental ang lalaking yon HAHAHAHAHA!
Tinignan ko ng masama yung lalaking abnoy syempre tumingin din siya ng masama saakin. Ganyanan pala ah sige ikaw na ang enemy for life ko!
Akala ko sa mga halaman lang makikita ang mga peste makakahanap din pala ako dito!
To be continued...
Hey everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! At wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!
GOMAWO! SARANGHAE!💝💞💗
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza