Astraea POV
Pangalawang araw ko na to sa saint antonette at hindi naging madali ang first day ko dahil puro panlalait ang bumungad sakin!
Tapos na akong maligo, magbihis, kumain at mag ayos ng sarili. Si ate ang maghahatid sakin tutal parehas maaga ang pasok namin.
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami sa SAU wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa naman.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay biglang may tumama sa ulo ko.
Anak ng impakto oh! Pangit na nga 1st day ko pati ba naman 2nd day ko sa SAU?!
"Aray!" Usal ko.
"Ay! Sorry sadya!" Aniya at pinulot ang tin can at tinapon niya iyon sa basurahan. Tsk! Ginigigil ako ng babaeng to ah! Uupakan ko to!
"Pasensya na miss akala ko kasi basurahan!" Natatawang sabi pa niya. Amp! Taena niya! Mukha ba akong basurahan!? Lintek na umaga to oh!
"Basura? Malabo ba mata mo o bulag ka? Nakikita mo ba yung puno doon?" Turo ko sa puno na mayroong trash bin sa ilalim. "Ayun yunv basurahan oh, gamitin ang mata ha? Pwede din naman yung ilong mo ang gamitin mo tutal mukha ka namang bulldog." Ani ko tsaka nagmadaling umalis huhuhu baka maabutan nila ako tapos bigla akong sabunutan.
Hays naaawa tuloy ako sa bulldog ang cute cute ng bulldog tapos doon ko pa siya ni compare sa babaeng yun!
Nakasimangot akong pumasok sa classroom. Umupo ako sa bandang likod dahil doon talaga ang paborito kong pwesto.
Maya maya pa ay naagaw ng atensyon ko ang mga nagtitiliang mga estudyante. Halos rinig na sa buong building ang tilian nila dahil palakasan sila ng tili! Ano ba to? Mall show!?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at halos makipag siksikan na ako dahil maski sa hallway ay puno ng estudyante, hindi ko naman makita dahil kahit makipag siksikan ako ay hindi ko makita. Lintek na height to oh! Pano ba naman kasi tinipid yung tangkad ko! Kaya ayun cute size lang ang kineri ko.
Amp! Sana pala hindi ko nalang pineke yung pag tulog ko noon sa tanghali! Edi sana 10 percent yung nadagdag sa height ko! Masyado ata akong pinagkaitan sa height kaya ngayon para akong minion!
Nabalik ako sa realidad ng halos hindi na ako makahinga dahil sa siksikan.
Waaahh! Wengya! Tulong! Maawa kayo sakin, i need fresh air!
Biglang tumunog yung bell kaya naman nag mistulang train to Busan dahil nagmamadaling bumalik ang mga estudyante. Sa sobrang bilis nilang tumakbo ay napatid ako pero ang mga punyeta walang pake kung may masangga! Grabe na to ah! Taena naman kasi!
Hindi naman ako kasing liit ng langgam para hindi makita! Kainis!
Mabuti nalang at wala pa yung professor ng makarating ako sa classroom, malamang na trapik yun sa dami ba naman ng mga stupidents eh!
~~~~~~~~~~
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Kinuha ko ang bag ko pati ang wallet ko pero nung hanapin ko ang wallet ko ay wala iyon sa bag ko.
Hala patay na! Baka nahulog iyon kanina!
Lumabas agad ako ng room at halos yumuko na ako sa bawat lakad ko nag babaka sakaling makita ko yung wallet ko.
"Ouch!" Daing ko, pano ba naman kasi hindi ko nakitang may nabangga na pala ako.
Nilingon ko kung sino ang nabangga ko. Waaah! Omooo! Ang gwapo niya sis!
"A-ahh! Sorry po" usal ko.
"Okay lang, anyway! Are you looking for this?" Aniya, sabay pakita nito sa wallet, teka akin to ah! Tama tama aking nga ito!
"Ay opo wallet ko po ito!" Ang swerte ko naman gwapong kyut yung nakapulot sa wallet ko.
"Thank you!" Sabi ko with matching pa cute.
"Your welcome!" Aniya at ginulo gulo pa ang buhok ko bago siya umalis.
Waahh! Ang cute niya! Bakit ganun nawawala yung mata niya kapag nakangiti siya!
Dumiretso na ako sa classroom.
"Irish!" Rinig kong tawag sa pangalan ko.
"Ate!" Nilapitan ko si ate.
"Tara samahan mo ako!" Ani ate.
"Teka! Hindi pa tapos yung klase namin!" Anas ko.
"Don't worry napaalam na kita" sabi ni ate sabay hila saakin. Aish! Kung hindi ko lang kapatid itong humihila sakin baka nasampal ko na to!
Grabe ka naman self ang bad mo!
"Ate saan mo ba ako dadalhin?"
"Manahimik kana lang muna diyan pwede?"
"Kidnapping kana e!" Maktol ko.
"Baka gusto mo kong bitawan?" Usal ko.
"Alam mo kapag hindi ka pa tumahimik diyan papasabugan ko ng granada yang bibig mo! Ang ingay mo eh!" Inis na sabi ni ate.
Sabi ko nga tatahimik nako e!
Pumunta kami sa likod ng building A. Namangha ako dahil mayroong malaking puno sa gitna.
"Gusto ka kasing makita ng friend ko kaya kita pinunta dito" ani ate. Tumango tango lang ako sakanya.
"Maddie!" Tawag ni ate.
"Ang tagal mo naman bumalik" sabi nito. Unang tingin ko palang sakanya ang dyosa na niya. Grabe! Natalbugan niya si ate! Si ate kasi maganda lang e siya dyosa e! Ako naman magandang cute! Opss! Bawal kumontra! Pag bigyan niyo na ako!
Anyway sino ba ang babaeng ito? Infairness maganda talaga siya. Sa true, sa facts, sa totoo lang walang halong pambobola.
"Siya na ba yung kapatid mo?" Nakangiting sabi niya.
"Oo!" Ani ate.
"Hi! Ako nga pala si maddie shyra" nakangiting sabi nito.
"Astraea irish" anas ko. Waahh! Nakipag shake hands siya sakin! Huhuhu!
"Anyway, may party mamaya saamin umattend kayo ah?" Aniya. Tumango lang ako sakanya. Grabe hindi ko na namalayan na nakatitig lang ako sa kanya the whole time!
"Daisy isama mo ang kapatid mo ha!" Sabi niya kay ate habang tinanguan lang naman yon ni ate at nagpaalam na si Maddie.
"Anong meron manaya ate?" Tanong ko.
"It's a surprise you know." Ani ni ate Daisy.
Hays, Hindi talaga ako mahilig sa mga party party na yan pero wlaa namang masama kung susubukan ko mamaya.
Pero hindi talaga ako maka move on sa ganda niya huhuhu shemay! Bakit ganon ang ganda niya? Artista siguro siya?!, Kanina may gwapong kyut akong nakabangga ngayon ang dyosang babae ang kaharap ko waahhh!!!
Hindi ako nagkamali ng school na pinasukan totoo ngang puro magaganda at guwapo dito sa SAU.
To be continued...
Hello everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! At wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!!
ENJOY READING!📖
GOMAWO! SARANGHAE!💖💓💟
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Novela JuvenilAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza