Astraea POV
Sumapit na ang araw ng lunes at maaga palang naghahanda na ako para pumasok. Ilang linggo rin akong wala at walang balita kung ano na ang ganap sa school, at isa pa hindi parin kami nagkikita ni amy sigurado akong magkikita kami mamaya at matutuwa 'yon kapag nakita niya ako. Namiss ko na rin kasi ang kabaliwan ng babaeng yun.
"Ate tina ang aga mo ata nagising?" Tanong ko kay ate tina.
"May pupuntahan kami ng ate mo" sabi ni ate tina na tinanguan ko lang.
"Ate tina, si ate daisy at kuya darren sila paba hanggang ngayon?" Tanong ko.
"Hmm, hindi ko alam e wala naman kasi sakin nababanggit si daisy" aniya.
"Ganun ba?" Ani ko.
"Oo, osiya kumain kana para tumangkad ka naman. Charot!" Sabi niya.
Sinamaan ko lang ng tingin si ate tina at nag peace sign naman siya.
Kasalanan ko bang hindi ako pinalad na maging matangkad!?
Ng matapos akong kumain ay nag toothbrush muna ako at nag ayos ng sarili tsaka bumaba at sumakay na sa kotse.
______
Ng makarating ako sa S.A.U ay agad akong nagtungo sa classroom. Wala paring nagbago, yung iba pinagtitinginan ako yung iba nagbubulungan. Nagtataka siguro sila kung bakit ngayon lang ulit nila ako nakita.
Hindi pa man ako nakakarating sa classroom ay biglang sumulpot si kenzo.
Sa tatlong magkakaibigan na sina kaiden,kenzo at westley. Si kenzo ang naging ka-close ko sa una palang.
"Kamusta ang date niyo ni kaiden?" Nakangising tanong niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya.
Ang bilis mag spread ng news ah!
"Duh! Nakita ko sa ig post niyong dalawa!" Sabi ni kenzo na may pairap effect pa!
"Eww! Hindi bagay sayo ang umirap!" Sabi ko sakanya.
"I don't care!" Ani kenzo.
Bumaliktad na ata 'tong si kenzo!
"Bahala ka nga diyan, pumunta kana sa room mo" sabi ko.
"May ghaddd! Irish! Nakalimutan mo na atang magkaklase tayo?" Sabi niya.
Napakamot ako sa ulo ng maalala kong kaklase ko nga pala ang tatlong kurimaw!
Speaking of kurimaw, nagsi datingan na nga sila. Nauna pala 'tong si westley at kaiden.
"Andyan na pala ang dalawang gunggong" sabi ni kenzo.
Ng makalapit kami ni kenzo ay sinalubong lang ako ng isang malawak na ngiti ni kaiden.
"Susunduin sana kita para sabay tayong pumasok kaso panira si ate hinatid niya ako dito!" Nakangusong sabi niya.
"Para kang bata na inagawan ng candy sa itsura mo! Atsaka okay lang naman yun tutal minsan lang naman kayo magkasabay ng ate mo sa pag pasok" sabi ko sakanya.
"Kahit na!" Sambit niya.
"Sabay nalang tayong umuwi mamaya tutal gusto kang makita ni mommy" sabi ko.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza