Chapter 10

33.2K 939 18
                                    

Astraea POV

Half day lang kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers about sa foundation day. Hindi ko na nga naabutan sila mommy at daddy na umuwi dahil maaga akong pumasok, atsaka nagmessage na rin si ate sakin na kararating lang ngayon nila daddy.

"Girl! Patambay muna ako sainyo ha! Wala kasi sila mommy ngayon puro katulong lang ang nasa bahay" ani amy.

"Sure!" Ani ko. Tapos na ang klase namin at hinihintay ko nalang si ate daisy at ate tina sila kasi ang magsusundo sakin.

Beep!beep!

Ilang minuto pa ay mayroong kotseng bumusina kaya binalingan ko iyon ng tingin.

"Irish sabay na kay, pupunta rin kasi kami sa bahay niyo" ani kenzo.

"Tara na gurl sabay na tayo" bulong ni amy.

Psh! Basta kay kenzo! Go na go siya!

Hindi na ako nag paligoy ligoy pa at sumakay nalang ako. Pag sakay namin sa kotse ay muntik ko ng masuntok si westley.

"Waaah!" Sigaw ni amy. Pano ba naman kasi! Naka boxer lang si westley, tapos... Tapos yung ano niya yung... Basta! Yung ano niya!

"Mag damit ka nga!" Sigaw ni amy. Parehas nakatakip ang mata namin gamit ang kamy namin.

"Ang ingay mo! Pabebe ka pa! Gusto mo rin naman makita yung katawan ni westley!" Ani kenzo

"Aba!" Inis na sambit ni amy sabay sabunot kay kenzo.

"Aray ko! Ano ba!" Aniya.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Bwiset ka!" Inis na sabi ni amy.

"Bakit ko babawiin e totoo naman!" Ani kenzo.

"Ah ganun!" Iritang sabi niya. At pagkatapos ay piningot pa niya ito.

"Aray! Sumusobra ka ng panget ka!" Reklamo ni kenzo.

"Tama na yan! Baka magkatuluyan kayo!" Singit ni kaiden. Napalingon ako sakanya at kita ko ang pag ngisi niya kina amy at kenzo.

Natigilan naman silang dalawa at tahimik na lang si westley naman ay nagsusuot na ng damit habang si kaiden ay nagmamaneho.

Matapos ang fifteen minutes sa daan ay inihinto na ni kaiden ang sasakyan sa harap ng gate namin at sabay kaming pumasok sa loob.

Dumiretso kami sa may garden at naroon nga sila ate at sila mommy.

"Oh! Ayan na pala sila oh!" Ani ate. Lumapit ako sakanila at binalingan ko ng tingin si ate tina. Mukhang wala ata siya sa mood dahil napaka seryoso ng mukha niya, wala kang mababakas na kahit anong reaksyon kaya napagisip isip kong lapitan siya.

"Ate tina okay ka lang?" Tanong ko. Tipid siyang ngumiti.

"Ehem!" Boses 'yon ni westley kaya nilingon ko siya. Tumingin siya kay ate tina na poker face lang.

"Can we talk?" Aniya ngunit hindi sumagot si ate tina.

"Ahm.. mabuti pa maiwan ko muna kayo" anas ko at pumunta sa pwesto nila amy.

"Ate! Anong meron sakanilang dalawa?" Tanong ko kay ate daisy na ikinalingon rin nina kaiden.

"Astraea, don't tell me hindi mo alam yung tungkol sakanilang dalawa?" Ani kenzo.

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon