Astraea POV
Kasama ko ngayon si amy nasa cafeteria kami kasama sina kaiden.
"Kamusta ang date niyong dalawa?" Nakangising tanong ni kenzo.
Date? Kailan kami nag date!?
"Date?" Sambit ko.
"Oo! Wag ka ngang mag tanga tangahan diyan! May ebidensya na oh!" Sabi ni amy at may pinakita pa saaking picture na magkasama kaming dalawa ni kaiden!? Yung nasa enchanted pa kami!
"Saan niyo naman nakuha ang picture na yan?" Tanong ko.
"Pinost to ni kaiden sa instagram! Nakatag ka pa nga e!" Ani amy.
"Wag mong sabihing hindi ka nainform?" Sabi naman ni kenzo.
"Hindi talaga!!" Usal ko.
Tsk! Lagot nanaman ako nito! Baka hindi lang sampal ang abutin ko, baka katayin na nila ako!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang instagram ko. Tama nga ang sinabi ni amy! Tinag ako ni kaiden!
The hell!? Ang daming nag like at maramin rin ang nag comment!
"Hoy kaiden! Burahin mo nga yung pinost mo!" Sabi ko.
"Bakit ko buburahin!?" Usal niya.
"Basta! Wag ka ng magtanong! Burahin mo nalang!" Sabi ko pa.
"Ayoko nga!" Nakangising sabi ni kaiden sabay alis. Hahabulin ko sana siya kaso ang bilis niyang maglakad!
Bwiset talaga yun!
Pabalik na ako ng classroom ng biglang mag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko 'yon.
[From: 09********2
Hi irish! May nilagay ako sa upuan mo nasa classroom niyo, para sayo yun!]
[Papunta na ako doon, salamat!]
Binilisan ko na ang lakad ko upang makarating sa classroom. Ng makapasok ako sa room namin ay kita ko na ang paper bag na naka patong sa table ko.
Tinignan ko kung anong laman ng paper bag na yon. Chocolates at bracelet na may letter K.
"Wow ang ganda ng bracelet!" Pabulong kong sabi.
Nahuli ko naman si kaiden na pasulyap sulyap sa paper bag na hawak ko.
"Ano yan?" Tanong niya.
"It's none of your business!" Sambit ko sabay irap sakanya.
"Nag tatanong lang naman!" Sabi niya.
Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si ma'am gladys.
"Class, gusto ko lang ipaalam sainyo na magkakaaroon tayo ng masquerade ball at every section magkakaroon ng booth para sa foundation day" paliwanag ni ma'am gladys.
"Ma'am anong klaseng booth po?" Tanong naman ng kaklase ko.
"It's all up to you" sabi ni ma'am gladys.
____________
Pagdating ko sa bahay galing school ay naroon sina kaiden at ang dalawa niyang kaibigang baliw!

BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza