Chapter 17

28.8K 795 41
                                    

Kaiden POV

Alasais palang ng umaga ay nagising na ako.

Sa sofa natulog si astraea at ako naman sa sahig at nilatagan nalang ito ng banig.

Habang natutulog pa siya ay naisipan kong magluto muna ng almusal para samin.

Nagpaturo talaga akong magluto kay mommy,i did that for irish. Nung una hindi ko alam kung bakit gusto kong matuto para sakanya pero habang tumatagal ay mas naliliwanagan na ako sa nararamdaman ko.

Eto ang unang beses kong pagsilbihan ang isang babae at si irish 'yun. Gusto kong patunayan sakanya na seryoso ako.

"Ang aga mo naman nagising"  rinig kong boses ni Astraea.

"Syempre, kailangan pa kitang pagsilbihan" sagot ko.

"Hindi ko naman sinabing gawin mo yun!" Sabi niya.

Hayys! Eto nanaman kaming dalawa!

Kapag mahal mo ang isang tao, kapag seryoso ka e kahit walang permiso nila e gagawin mo.

Astraea POV

Ano kayang nakain ni kaiden at gustong gusto niyang pagsilbihan ako? Kapag pinagpatuloy niya pa 'to baka magising nalang ako na nasa ospital na ako! Ang aga aga kasi ang lakas na agad ng kalabog ng puso ko.

"Kaiden bakit mo ba 'to ginagawa?" Tanong ko sakanya.

"Ang alin?" Aniya.

"Ang pagsilbihan ako" sabi ko.

"Sabi ko nga 'i like you', gusto kita. Gusto kong makita mong seryoso ako at hindi lang laro laro ang ginagawa ko sayo" sabi niya.

Aish! Eto nanaman ang taksil!

Hindi ako umimik bagkus ay umiwas ako ng tingin sakanya bigla kasi akong nakaramdam ng hiya.

"Wag mo ng pansinin ang sinabi ko, kung ayaw mo pa, kung wala ka pang nararamdaman take your time, maghihintay ako" sabi niya.

Tangina!

Nginitian ko lang siya at muling umiwas ng tingin.

_______

Tanghali na at tirik na tirik pa ang araw kaya hindi kami makalabas ni kaiden.

"Pandak!!!!" Sigaw ni kaiden.

Aww! Namiss ko yung tawagan naming pandak at kapre ha!!

"Ano!?" Sabi ko.

"May lumilipad na ipis!!" Sigaw niya.

"Kalaki-laking tao mo takot ka sa ipis!?" Reklamo ko.

"Kadiri yan e!" Sabi niya.

Kumuha ako ng pamalo at ginamit ko 'yon pamatay sa ipis.

"Patay na! Okay kana ba?" Tanong ko sakanya.

Nag thumbs up lang siya.

"Kalaking tao nito! Takot sa ipis!" Sabi ko.

"Atleast matangkad, palibhasa kasi minion ka" sabi niya.

"Kaya nga kapre ka e!" Sabi ko.

"Atleast hindi minion!" Pangiinis niya.

Sa inis ko ay binatukan ko siya "minion pala ha!"

"Aray ko! Bakit moko binatukan?" Reklamo niya.

"Bwisit ka e!" Sabi ko.

"Totoo naman!" Sambit pa niya.

Sa inis ko ay hindi ko na lang siya pinatulan, baka abutin kami ng kinabukasan na nagbabangayan!

________

Alaskwatro na ng hapon at ilang oras nalang ay lulubog na rin ang araw.

"Tulungan na kita" sabi ko buong araw ay wala akong ginawa, si kaiden kasi pinaninindigan yung sinabi niyang pagsisilbihan ako!

"Wag na" tipid niyang sagot.

"Simula kahapon pa wala na akong naitulong sayo!" Sabi ko.

"Gusto mo may maitulong ka?" Sabi niya at tumigil siya sa paghihiwa at hinarap niya ako.

"Syempre!" Sagot ko.

"Mahalin moko para may maitulong ka" seryosong sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya at tanging malakas na tibok ng puso ko lang ang nararamdaman ko.

Kaiden, hindi mo na kailangang paalalahanan ako na mahalin kita..

"I.. i..."

"It's okay, you don't have to force your self na mahalin ako. I'm always here irish, maghihintay ako. I know it takes time" sabi niya ng nakangiti.

Ipinagpatuloy na niya ang paghihiwa at ako naman ay lumabas muna.

Habang naglalakad lakad ako ay nakita ko ang anak ni aling lita.

"Hi" nakangiting sambit ko.

"Ikaw pala ate astraea, si kuya kaiden po?" Tanong nito.

"Andoon nagluluto siya e ayaw niya ngang tumulong ako" sabi ko.

"Ayieee! Seryoso at Mahal ka talaga ni kuya kaiden" sabi niya.

"Sobra... Siguro?" Mahinang sambit ko.

"Alam mo ate astraea, nagkausap po kami nun ni kuya kaiden, buong usapan namin ikaw ang laging binabanggit niya, napansin ko nga na parang inlove na inlove talaga siya sayo" sabi niya.

"Talaga!?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Yung puso ko! Tumatalon na sa sobrang saya!!

Tumango tango lang siya sakin.

"Ate mauna na po ako ah baka kasi tinatawag na ako ni mama" sabi niya na tinanguan ko lang.

Ng makaalis na siya ay bumalik na rin ako, baka tapos ng magluto yung kapre na yun!

Pag pasok ko doon ay dumiretso na agad ako sa kusina at naabutan ko doon si kaiden na naghahanda.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Diyan lang" sagot ko.

Tumango lang ito at umupo na ako sa upuan na kaharap niya at nagsandok na ako ng pagkain.

"Masarap ba?" Tanong niya.

"Oo, nag improve yung cooking skills mo ah!" Sabi ko.

"Bukod sa pwede na tayong magpakasal, pwede na rin tayong bumuo ng pamilya no?" Sabi niya na ikinasamid ko.

"Kaiden! Palagi nalang ba?! Binibigla mo naman ako!" Reklamo ko.

Nilagyan niya ng tubig ang baso at iniabot niya sakin 'yun na agad ko namang tinanggap, ng masatisfied ako ay inilapag ko ang baso.

Napatulala ako ng kuhanin niya ang basong ininuman ko at ininom niya ang natitirang tubig.

"Naniniwala talaga ako sa indirect kiss" nakangiting sabi niya sabay kindat.

What the! Letchugas talaga ang lalaking to!

To he continued...

Yieeee!! Indirect kiss! Hahaha😂

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon