Kaiden POV
Sinadya kong pumasok ng maaga at tumambay sa teacher's faculty room. Nakaupo ako sa upuan mismo ng math teacher naming si sir felix.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pagbukas ng ilaw, bumungad saaking paningin ang nakakunot noong si sir felix.
"What are you doing here ms park? Hindi ba't masyado pang maaga para pumasok" sabi niya.
"Sadya ito sir anyway goodmorning sir felix or should i say hector del pilar? Am i right?" Nakangising sabi ko.
"H-how did you know?" Nakakunot noong tanong niya.
"Binayaran mo si sir manuel para umalis siya at ikaw ang pumalit sakanya, and this resignation letter? Hindi siya ang nag sulat nito kundi ikaw, and lastly this dog tag necklace is yours right?" Sabi ko.
"Hindi ko alam na kasing talino mo ang ama mo mr park. Anyway ginagawa mo ba ito dahil gusto mong malaman kung nasaan ang ate mo? But hindi ako ang dumukot sakanya" sabi nito.
"Liar! Sinong niloloko mo? Sarili mo? Why would i believe you?, Hindi mo na kailangan gumawa ng kuwento dahil alam ko na" sabi ko.
Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang panyo at kasabay non ay wala na akong maaninag dahil sa kapal ng usok. Nang unti unting maglaho ang makapal na usok ay nakita ko ang walang malay na si hector.
Bigla namang bumukas ang pintuan at dumating si kenzo at westley.
"Bilisan niyo mga ugok!" Sabi ko.
Dinala namin siya sa kotse at nagmadaling pumunta ng hideout.
Nang makarating kaminsa hideout ay ginapos na agad siya ng mga tauhan.
"Sa tingin ko kahit anong pananakit ang gagawin natin sakanya e hindi siya magsasalita" ani westley.
"Maaraming solusyon diyan" sabi ko.
________
Kasama ko si daddy at ang mga kaibigan ko pati na rin si tito kyle at jake. Habang nasa likod naman namin ang mga tauhan.
Hawak hawak ng dalawang tauhan si hector na puno ng pasa at galos ang katawan niya.
"Ano ba ang kailangan niyo skyler?" Tanong ni Oliver.
"Wag kang painosente na akala mo wala lang alam sa mga nangyayare" seryosong sabi ni daddy.
"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo" aniya.
Kinuha ni dad ang baril na nasa tagiliran niya at itinutok iyon kay oliver.
"Nasaan mo dinala si maddie?" Seryosong tanong ni daddy.
"Patay na!" Ani oliver. Tinutok naman ni daddy ang baril niya kay hector at pinatamaan ito sa binti.
"Ahh!" Daing nito sa sakit.
"Isang maling sagot mo pa tutuluyan ko na ang kanang kamay mong si hector!" Sabi ni daddy.
"Bakit hindi nalang natin idaan sa laro ito?" Nakangising sabi ni oliver.
"Kapag nanalo ka sa laban na 'to mabubuhay ang anak mo at hindi ka nanamin pwedeng guluhin pa at kapag kami ang nanalo pababagsakin ko lahat ng pag-aari mo, wala akong ititira sayo kahit pamilya mo hindi ko bubuhayin" sabi niya at parang demonyong tumatawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/182998485-288-k316822.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Подростковая литератураAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza