Chapter 5

39.1K 1.2K 10
                                    

Astraea POV

"Ma, si ate po" tanong ko.

"Hindi pa siya nakakauwi, hindi ba kayo mag kasabay na umuwi?" Ani mommy.

"Hindi po eh" anas ko.

"Osiya, magbihis kana at baka mamaya pa uuwi ang ate mo. Tatawagan ko nalang siya" ani mommy na tinanguan ko lang at umakyat na ako sa kwarto ko.

~~~~~~

"Astraea handa na ang pagkain" ani manang mula sa labas ng kwarto ko.

"Susunod nalang po ako" usal ko at tumango naman ito. Bumaba na ako at nagtungo sa dining room ng makapunta ako doon ay naroon si daddy.

"Daddy!" Usal ko.

"Daddy pasalubong ko?" Usal ko pa.

"Kumain muna tayo" sabat ni mommy na tinanguan lang namin.

~~~~~~

Kaiden POV

"Son, where are you going?" Tanong ni mommy.

"Mom, pupunta lang po ako sa bahay nila kenzo" usal ko.

"Alasyete na ah? Tell me gigimik kayo no?" Ani mommy.

"Of course not mom" ani ko.

"Fine! Wag kang magtatagal!" Ani mommy.

"Yes mom" anas ko at lumabas na ako ng mansion namin. Maraming nag ba-bike dito sa subdivision kapag alasais at alasyete. Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng may humatak sa shorts ko.

Arf! Arf! Arf! Tahol nito saakin.

"Pochi!" Rinig kong tawag ng pamilyar na boses.

"Kanina pa kita hinahanap! Andito ka lang pala, layas ka talaga!" Usal nito.

"Mianhe!" Sabi nito ng hindi man lang ako nililingon. (Mianhe means sorry or I'm sorry)

"Ikaw ang amo niyan?" Kunot noong tanong ko.

"Oo bak-" natigilan ito ng lingunin niya ako.

Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya.

Tss! Kung alam ko lang na aso niya 'yan edi sana pinahirapan ko muna siyang mag hanap!

"Pasensya na" muling sabi niya at umalis na ito.

Aba! Ganun nalang ba yun?! Pagkatapos kagat kagatin ng aso niya yung short ko!

"Hoy! Yung short ko!" Usal ko na ikinalingon niya.

"Anong meron sa short mo?" Sabi nito at umarko ang kaliwang kilay nito.

"Nakakadiri yung laway ng aso mo! Tapos kinagat niya pa!" Inis kong sabi.

"Mas nakakadiri ka beh!" Ani niya.

"Baka gusto mong ipalapa kita sa aso ko? Nangangagat pa naman to ng punyemas!" Sabi nito habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

"Psh! Magsama kayo ng aso mo!" Usal ko sabay lakad palayo.

Astraea POV

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon