Chapter 20

27.7K 840 46
                                    

Astraea POV

Medyo maayos na ang lagay ngayon ni kaiden pero hindi ko parin siya pinayagang magpagod.

Tok! Tok! Tok!

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan kaya pinagbuksan ko 'yon. Nanlaki ang mga mata ko ng buksan ko ang pintuan at bumungad saakin sina.

"Ate maddie!?" Hindi makapaniwalang sambit ko, walang sabi sabi akong niyakap ni ate maddie na agad rin namang kumalas sa pagkakayakap.

"Masaya akong makita kayong ligtas astraea" nakangiting sabi ni ate maddie. Kasama nito si kenzo, Westley at ang tatlo pang lalaking hindi ko kilala.

"Where is kaiden?" Tanong nito.

"Nasa loob po siya ate" sagot ko at pinapasok ko sila.

Ng tuluyan silang makapasok ay kita ko sa mata ni kaiden ang pagkagulat ng makita niya sila ate maddie.

"Namumutla ka kaiden" sabi ni ate maddie.

"Kagagaling lang niya sa sakit ate" sabi ko.

"Paano niyo nalamang nandito kami?" Tanong ni kaiden.

Napailing iling si ate maddie bago muling mag salita "alam mo na ang sagot diyan lil bro" sabi ni ate maddie.

________

Alastres na ng hapon at bukas na bukas din ay makakauwi na kami.

"Kamusta si amy?" Tanong ko kay kenzo.

"She's fine, walang araw na hindi siya nagaalala sayo" seryosong sabi niya.

"Mabuti naman kung ganon, miss ko na sobra ang kabaliwan ng babaeng yun" sabi ko.

"Amy is a good friend" sambit niya.

"I know, she is" sabi ko.

Habang palubog na ang araw ay naisipan na naming bumalik. Dahil maliit lang ang tinutuluyan namin ay magkakahiwalay kami.

"Saan ka galing?" Kunot noong tanong ni kaiden.

"Diyan lang sinamahan ko si kenzo" sabi ko.

Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Makakabalik na tayo" sabi niya.

"Yah, masasabi kong nag enjoy rin ako sa simpleng pamumuhay natin dito" sabi ko.

"Kaya nga, para tayong mag asawa" sabi niya.

"Tss! Mag asawa ka dyan!" Ani ko.

"Sa oras na makabalik na tayo, alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat" sabi ni kaiden.

Napalingon naman ako sakanya ng may halong pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.

"Ipangako mo saking hindi ka aalis hangga't wala ako sa tabi mo sa oras na makabalik tayo" seryosong sabi niya.

"Pangako" sagot ko.

~KINABUKASAN~

Alaskwatro palang ng umaga at gising na ako. Alasingko ang alis namin dito at ang hudas na si kaiden at tulog pa!

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon