Amy's POV
Apat na araw na ang nakalipas at hindi parin namin nakikita si kaiden at astraea.
"Ma'am amy, pinapatawag na po kayo ng mommy mo" sabi ng katulong.
"Susunod nalang po ako" sabi ko. Inayos ko muna ang higaan ko at tsaka ako bumaba sa dining room.
"Ma, si daddy?" Tanong ko.
"Nasa office niya" sagot ni mommy.
"Tawagin ko nalang po" sabi ko at umakyat ako sa third floor, naroon kasi ang office room ni daddy.
Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ng office ni daddy ay rinig na rinig ko na ang tawa niya.
May kasama sa loob si daddy?
Idinikit ko ang tainga ko sa pinto upang marinig ko kung ano ang dahilan ng pag tawa ni daddy.
"Mahusay ka! Sinigurado mo bang hindi na mahahanap ang bangkay ng anak ni skyler park at ang babaeng kasama nito?" Tanong no daddy.
"Yes boss! Sigurado kaming patay na ang dalawang yun" ani ng boses lalaki.
"Tagumpay tayo sa unang plano, gusto kong unahin mong patayin ang mga tauhan niya, at isunod mo ang mga gunggong niyang kaibigan" ani daddy.
"Masusunod boss" sabi nito.
"Siya nga pala, may anak na babae si skyler, gusto kong kidnapin mo at dalhin mo sa hindi madaling mahanap na lugar at pahirapan mo" paliwanag ni daddy.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung maniniwala ba ako, pero eto na sarili ko na mismo ang nakarinig. Si daddy ang dahilan ng pagkawala ni kaiden at astraea, planado ni dad ang lahat ng 'yon. Pero bakit!?
Ng makabalik ako sa realidad ay bigla akong nagtago sa likod ng sofa at kasabay non ang paglabas ng tauhan ni daddy at bumaba na 'to.
Alam kaya 'to ni mommy?
Ng mawala na ito sa paningin ko ay hindi ko na tinawag si daddy para mag almusal. Bagkus ay bumalik nalang ulit ako sa kusina.
Si daddy ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ko at ang buhay ng mga kaibigan ko nung gabing yun.
"Tinawag mo naba ang daddy mo?" Tanong ni mommy.
"Hindi ko na po siya tinawag, mukhang marami po kasing ginagawa si daddy" sabi ko.
"Osiya padadalhan ko nalang ng pagkain ang daddy mo" sabi ni mommy.
"Mommy, aalis ako ngayon bibili ako ng materials para sa project ko" sabi ko.
Tumango tango lang si mommy.
Ng matapos akong kumain ay nag ayos agad ako ng sarili at lumabas ng bahay. Hindi na ako nagpahatid sa driver dahil hindi naman talaga ako bibili ng materials para sa project. Pupunta ako sa bahay nila ate maddie at sasabihin ko ang mga nalaman ko. Mas makakabuti kung maaga palang ay sasabihin ko na.
________
Inihinto ng taxi driver ang sasakyan nito sa tapat ng malaking gate ng mansion nila ate maddie.
Iniabot ko ang bayad ko at dali daling lumabas ng sasakyan. Pinapasok naman agad ako ng guard.
Pag pasok ko palang ay naroon na si ate maddie kasama si ate daisy at ang dalawang kaibigan ni kaiden.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Novela JuvenilAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza