Tina POV
Kasama kong nakaupo sa sofa si westley habang nililinis ko ang sugat niya.
"Aray ko Love!, dahan dahan naman" aniya.
"Masakit talaga to! Hindi ka aaray kung hindi ka nakikisali sa gulo!" Sabi ko sakanya.
Hindi naman siya kumibo bagkus ay nanahimik nalang siya.
"Bakit ba ang hilig niyo sa gulo ni kenzo?" Anas ko.
"Kailangan" maikling sagot niya. Binalingan ko naman siya ng tingin.
"Alam kong kasali ka sa gang ni tito skyler kaya lagi kang magiingat" sabi ko sakanya.
Nang matapos kong gamutin ang sugat niya ay niligpit ko na ang first aid kit.
"Love, gusto ka palang makita ni mommy" ani westley.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Miss ka na nun" aniya.
"Osige wait lang, mag bibihis lang ako" sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko.
Wala si astraea,daisy at sila tito dito sa bahay dahil nasa trabaho pa at si astraea naman hindi ko alam kung saan nagpunta.
Nang matapos akong magayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto.
"Let's go" sabi ko sakanya at hinawakan naman niya ang kamay ko hanggang sa makasakay ng kotse.
_________
Inihinto ni westley ang kotse niya sa malaking gate nila at tsaka kami pumasok sa loob.
"Christina! Mabuti naman at nakadalaw ka dito" ani tita at niyakap ako nito ng mahigpit.
"Kamusta kana? Kayo naba ulit ni westley?" Tanong ni tita. Nilingon ko naman si westley na hindi man lang magawang tumingin.
"Opo" sabi ko.
"Talaga!? Naku! Ss sainyo ah!" Masayang sabi ni tita.
Kailan niya pa nalaman ang meaning ng ss?
"Ibang level na si tita ah!" Bulong ko kay westley.
Dumiretso sa kusina si tita at kami naman ay nasa sala.
"Love, next month na ang balik ko sa france" sabi ko sakanya.
"Edi sasama ako sayo" sabi niya.
"Love, wala namang problema sakin kung babalik kana sa france. Hindi ibig sabihin nun na hindi na ulit tayo magkakasama, ako ang mag a-adjust para sayo" sabi niya at kasabay non ang pagyakap niya sakin.
"Ang sweet mo! Nakakainis ka" sabi ko sakanya.
"Basta ikaw" sabi niya at mas lalong humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin.
Amy POV
Nakita kong paalis palabas palang ng gate si kenzo kaya hinabol ko siya bago pa siya mawala sa paningin ko.
Eto na yun self! Aamin na talaga ako sakanya!
"Kenzo! Teka lang" tawag ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/182998485-288-k316822.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza