Astraea POV
Katatawag lang sakin ni tita mae shin kaya nagmadali akong nagpahatid papuntang ospital.
"Tita! A-ano pong nangyare? Kamusta na po si kaiden?!" Nag aalalang tanong ko.
"I-irish si kaiden w-wala na siya" sabi niya tsaka siya humagulgol.
"Nagbibiro po ba kayo?" Sabi ko. Umiling iling lang siya at walang hinto ang pag agos ng luha niya.
Bigla namang lumabas ang doctor sa kwarto kung saan nakaratay si kaiden.
"Doc..." Tawag ko.
"I'm sorry miss shon pero wala na kaming magagawa para iligtas pa siya" sabi niya.
Biglang nanghina ang tuhod ko at pilit na pumasok sa loob upang masilayan ang walang buhay na si kaiden.
"Ang daya mo! Bakit mo naman agad ako iniwan!" Naluluhang sambit ko.
"Bakit? Bakit ang bilis ko namang iwan ako? Sabi ko lumaban ka para sating dalawa"
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at parang tinatarak ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag agos dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Kung pwede ko lang sanang ibalik yung mga oras na kasama kita, kung maibabalik ko pa sana yung oras edi sana masaya akong kasama ka!" Sabi ko.
******
Kring!!! Kring!!! Kring!!!
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Masakit ang ulo ko nang dumilat ako.
Ang huli kong naalala ay nasa ospital ako... At iyong panaginip ko.
"Irish gising kana pala, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni ate daisy.
"Ate si kaiden po?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya at tumitig sa mga mata ko ng may puno ng pagaalala.
"Pwede bang sarili mo muna ang asikasuhin mo? Alam mo bang nahimatay ka" ani ate.
"Ate ayos lang ako, atsaka kailangan ako ngayon ni kaiden" sabi ko. Tatayo na sana ako sa higaan para magtungo sa banyo ng bigla akong pigilan ni ate.
"Hindi pwede Astraea! Mag papahinga ka, wag mong i-stress yang sarili mo" ani ate.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang kay ate. Lumabas na siya at iniwan ang pagkaing nakalagay sa tray.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si amy.
Ring!!!
Ring!!!
Ring!!!
Nakailang ring na ako pero wala paring sumasagot. Sinubukan ko namang tawagan si kenzo at westley pero wala ring sumasagot.
Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Friday ngayon pero hindi ko nagawang pumasok.
"Manang si ate po?" Tanong ko.
"Ay ma'am Irish hinatid lang po si ma'am tina" ani manang.
"Sige po salamat" sabi ko.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza