Astraea POV
Alauna na ng hapon at wala akong ibang kasama maliban sa mga katulong, si ate kasi sinundo si ate tina at si daddy naman nasa trabaho habang si mommy ay nag grocery.
Hindi ko alam kung bakit gusto pang mag pa-celebrate ni mama!
Tinatamad naman akong umalis kasi kailangan ko pang ipaalam kay kaiden baka maistorbo ko pa siya, ayoko rin namang suwayin siya dahil baka magtampo 'yon sakin.
Kinuha ko ang loptop ko at nag online ako sa instagram.
"99+ notification"
Habang nag scroll down ako sa newsfeed ko ay mayroon biglang nag chat saakin at walang iba kundi ang hambog na si kaiden lang naman.
[KaidenLinus_Park
Mahal ko❤]
[AstraeaIrish
Ano nanamang trip mo?]
[KaidenLinus_Park
Miss na kita]
[AstraeaIrish
Parang kahapon lang nandito ka, tapos ngayon miss mo na agad ako?]
[KaidenLinus_Park
Punta ka dito, ipapasundo kita sa driver]
[AstraeaIrish
Sige]
Pagtapos naming mag usap ay nag offline na ako at nagtungo sa kwarto ko upang makapagbihis.
Simula noong umamin sakin si kaiden naging sweet na siya, pero yung pangiinis niya hindi parin nawawala lalo na yung kayabangan niya.
Nang matapos akong makapag ayos ng sarili ay sakto namang kumatok si manang.
"Astraea, may naghahanap sayo puntahan mo nalang" sabi ni manang.
"Opo!" Sagot ko at lumabas na ng kwarto at nagtungo sa sala.
"Ma'am tara na po" sabi ng driver nila kaiden.
"Sige po" sabi ko at lumabas na kami at pumasok na sa loob ng kotse.
______
Nang makarating ako sa bahay nila kaiden ay agad naman akong pinagbuksan ng pinto at bumungad saakin si kaiden na nakaupo sa mahabang sofa nila.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ko sakanya.
"Miss na nga kasi kita" sabi niya.
Umupo ako sa tabi niya at nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at binulong ang salitang.
"I love you" biglang kumalabog ang puso ko. Hindi ko magawang lumingon sakanya, sobrang lakas ng dating sakin ng sinabi niya at isa lang ang ibig sabihin non.
"A-ano kaba kaiden" sambit ko at umiwas ng tingin. Nahihiya ako and at the same time kinikilig.
"Date tayo" sabi niya.
"S-saan?" Nauutal kong tanong.
"Kahit saan mo gusto, pwede tayong manood ng cine o kaya naman magpaka PDA tayo sa park, ano payag kaba?" Sabi niya.
"Mag cine nalang tayo at pagtapos pumunta tayo sa park" sabi ko.
"Tara na" sabi niya sabay hila sakin palabas at sumakay ako sa kotse niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/182998485-288-k316822.jpg)
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Ficção AdolescenteAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza