Astraea POV
"Hoy antuking minion! Gumising kana nga diyan!"
Bwiset! Bakit ba nandito si kapre? Natutulog pa ko!
Waaah! Omg! Nandito siya sa kwarto ko!?
Minulat ko ang mata ko at tama! Nandito nga si kaiden!
"Walangya! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Inis kong sabi.
"Ginigising ka! Obvious naman diba?" Nakangising sabi niya.
"Tss! Ano bang kailangan mo?" Iritang tanong ko.
"May pupuntahan tayo kaya bilisan mo ang pagkilos!" Sabi niya.
"Fine! Layas na!" Sabi ko sabay tulak sakanya palabas atsaka ko sinara ang pinto ng kwarto ko.
Thirty minutes ang itinagal ko sa banyo at twenty minutes naman ang itinagal ko sa pag aayos ng sarili, sinadya ko talaga ang magpatagal para mainip siya kakahintay!
Pagkababa ko sa living room ay naroon si kaiden nakaupo sa may mahabang sofa namin sa living room.
"Tss! Akala ko pa naman nag gown kana sa sobrang tagal mo!" Bahid sa tono ng boses niya ang pagkainis sakin.
"Pake mo ba? Tara na nga!" Sabi ko sabay hila sakanya palabas.
Paglabas namin ay sumakay kaagad ako sa dala nitong kotse.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Saan mo ba gusto?" Sabi niya.
"Gusto ko mag rides" sagot ko.
"Okay!" Sabi niya.
Habang nasa byahe kami ay nakaramdam ako ng antok kaya pinikit ko ang mata ko tutal ay bitin pa ang tulog at dahil 'yon sa kapreng kasama ko ngayon! Lakas ba naman mag trespassing sa kwarto ko para lang gisingin ako!
__________
Nakaramdam ako ng pag tapik sa balikat ko kaya iminulat ko ang mata ko.
Guess who? Si kapre lang naman!
"Andito na tayo" aniya.
"OMG! Nasa EK tayo?!" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Oo" aniya.
"Waahh! Tara na,naeexcite na ako!" Sabi ko.
"Teka lang, hindi kapa kumakain" ani kaiden.
"Hindi ako gutom" sambit ko.
"Kumai ka muna!" Aniya.
"Hindi pa nga ako gutom" iritang sambit ko.
Anak ng tipaklong! Ang kulit ng lahi ng mokong na to!
"Kakain ka o hahalikan kita?" Nakangising sabi niya.
What the heck!?? Pwedeng both? Char!
"Ha-, kakain!" Sambit ko.
Pagtapos naming kumain ay lumabas na kami ng kotse at pumila para makabili ng card para makapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Fiksi RemajaAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza