Kaiden POV
"Kaiden!!!" Tawag ni mommy sa pangalan ko.
"Mom bakit po?" Tanong ko.
"Tumingin ka sa labas! Ang daming babae at ikaw ang hinahanap nila!" Galit na sabi ni mommy.
"Mommy hindi ko naman po sila kilala" usal ko.
"Hindi mo kilala!? Pero sinasabi nilang girlfriend mo sila!" Galit na sabi ni mommy.
"Ma! Alam mo naman na pang international ang kagwapuhan ko e!" Maktol ko.
"Ah ganon! Manang mana ka talaga sa kayabangan ng daddy mo!" Inis na sabi ni mommy.
"Ma what is happening?" Ani ate maddie.
"Eto kasing kapatid mo napaka daming babae!" Ani mommy.
Tumingin naman si ate sa bintana at napairap sa hangin tsaka binuksan ang pinto.
"Hoy kayong mga panget! Mag si-alis na nga kayo! Mga ambisyosa! Tsupi! Wag na kayong babalik dito!" Galit na sabi ni ate kaagad naman silang nag si alisan.
"Thanks sis!" Anas ko. Ngumiti naman si ate sakin.
"Hindi libre 'yon, may bayad yun no!" Usal ni ate, napasimangot naman ako sakanya.
"Anong kabayaran naman iyan?" Tanong ko.
"Ililibre mo ako sa mall!" Ani niya.
"Fine! Pupunta tayo mamaya sa mall." Anas ko. Bumalik na ako sa kwarto ko at humilata.
________
Tok!tok!tok!
"Kaiden! Buksan mo yung pinto!" Rinig kong sigaw ni ate, tsk! Nakakainis! Kanina niya pa ako ginugulo e!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan yung pinto. Automatikong tumaas ang kanang kilay ni ate.
"Baka nakakalimutan mong ililibre mo pa ako?" Aniya.
"Eto na nga!" Anas ko at nauna nang pumasok si ate sa kotse. Habang ako ay nag bihis at kinuha ang susi ng kotse ko tsaka sumunod kay ate.
Pagdating ko sa garage ay nandoon na si ate at ang amazona nginitian pa ako! Tsk!
"Huwag ka ngang ngumiti, nakakakilabot kang tignan" ani ko at nginisian siya. Tatangkain sana niyang hampasin ako at mabuti na lang nasanggi ko 'yon.
Jusko! Grabe pa naman ang babaeng ito kung maka hampas sa bigat ng kamay! Akala mo kargador hahahaha!
~~~~~
Pag pasok namin sa mall syempre saamin nakatingin ang mga tao. Hays sanay na ako sa ganyan sino ba naman ang hindi maantig sa kagwapuhan ko?
"Kai! May sasabihin ako sayo" ani ate. Nilingon ko lang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Mag exchange gift tayo" aniya. Bigla akong nasiyahan sa sinabi niya, wahaha walang bawian ate!
Okay na siguro ang worth one million.
"Sige ba!" Anas ko at nag hiwalay na kami. Limang shop ang pinuntahan ko. Mahilig si ate sa make up, damit,sapatos at mga bag.
Sa sobrang hilig niya kailangan niya na ng sariling bahay para sa mga gamit niya HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Novela JuvenilAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza