Henlooo ebriwan! Miss niyo na ba si astraea at kaiden?
Astraea POV
After 2 years
5:00 pm
Kararating ko lang sa mansyon na pagaari ni kaiden, paano ba naman kasi kanina pa ako kinukulit sabi ko nga sa park nalang kami magkita e.
Ding dong!
Nakatatlong doorbell na ako pero wala parin nagbubukas ng gate ayoko namang bigla bigla nalang pumasok mamaya mapag kamalan pa akong cute na magna e.
Ding dong!
Umulit ako sa pag do-doorbell pero wala parin kaya no choice! Papasok nalang ako may ghadd!
Tumungin tingin muna ako sa paligid kung may cctv ba o kaya naman may taong nakatingin. Nang masigurado kong wala kahit anong tao ay pumasok na ako.
Mukhang walang tao dahil naka patay ang ilaw, pero bakit naman niya ako papuntahin dito kung walang tao?
"Kaiden?" Tawag ko sa pangalan niya ng makapasok ako sa loob ng bahay.
Hinanap ko ang switch ng ilaw pero nagulat ako ng kusa iyong mag bukas habang pinaputok ni kaiden ang party popper.
"Happy Anniversary Minion ko!" Ani kaiden at lumapit siya para yakapin ako.
Isang mahigpit na yakap ang iginanti ko sakanya.
"Happy anniversary kapre ko!" Bati ko sakanya.
May inilabas naman siyang maliit na box na kulay gold.
Another anniversary gift!
Two years na kaming nagmamahalan ni kaiden at tuwing nag cecelebrate kami ng anniversary ay mayroon kaming gift sa isa't isa.
Siya na ang nag lagay ng gold necklace sakin.
Sa gitna noon ay ang pinagsamang pangalan naming dalawa.
Kairish
Binigay ko naman sakanya ang regalo ko. Hindi 'yon sapatos,relo o damit.
"Seryoso ka dito?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin.
Tumango tango ako sakanya at parang batang tumatalon sa tuwa tsaka niya ako niyakap.
"Thank you! Luv" aniya.
Isa kasi 'yong mapa kung saan nakabilog ang bansang paris.
Isa lang ang ibig sabihin nun, pupunta kami sa paris at solo namin ang isa't isa!
May kinuha siya sa lamesa at ibinigay sakin ang couple shirt.
Ang naka design sakin ay ang mukha niya at may nakasulat sa ibaba na kairish at sa likod naman ay ang pangalan ko na 'astraea'
Ganun din ang kanya kaso mukha ko ang nakalagay.
"Ang kulit ng mukha mo dito!" Sabi ko sabay tawa.
"Ikaw nga yung itsura mo dito sa t-shirt parang matanda" sabi niya sabay humagalpak siya ng tawa.
"Mahal mo naman" sabi ko.
"Isuot mo na 'yan, may pupuntahan tayo" aniya na tinanguan ko lang.
Pagkatapos kong isuot ang couple shirt na ibinigay niya ay nagtungo na ako sa living room. Nakita ko naman si kaiden na nasuot niya na rin ang t-shirt.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Fiksi RemajaAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza