___________
Pinag-papawisan sila Yessiah at Allodyia habang pinag-mamasdan ang kaibigang si Jaehan na ngayon ay naka-upo sa gitna ng madilim na kwarto. Nilapit ng babaeng naka-itim ang mukha nya sa mukha ng binata. "Truth or Death?" Bulong ng babae kay Jaehan.
Nag-katinginan sila Yessiah at Allodyia, tila nag-taka sila ng tumawa si Jaehan. Ngumiti ang binata ngunit tumulo ang luha nya. Tumayo sya sabay lapit sa kotsilyong naka-lapag sa lamesa. Dinampot nya ito at tinutok sa sarili nyang leeg. Napa-upo si Allodyia habang napa-tulala lamang si Yessiah na punong puno ng pag-tataka
"I choose death. Nangako kasi ako sa kanya na, isasama ko ang katotohanan hanggang kamatayan." Ani ng binata at unti unting ginilitan ang kanyang sariling leeg.
Bumagsak ang duguang katawan ng binata sa sahig. Inis na pinag-tatapakan ng babaeng naka-itim ang duguang katawan at nag-sisisigaw. Tumitig sya kay Yessiah at ngumiti. "Ligpitin mo na to Yessiah." Malamig na utos ng babae.
Lumabas ang babae at dumeretsyo sa CR. Hinawakan ni Yessiah ang bangkay sa mukha bago hatakin ang katawan nito papunta sa secret door ng kwartong iyon na deretsyo sa likod ng school. Tumingin sya kay Allodyia. "Halika na Allodyia! Wag ka ng umiyak jan at tulungan mo ako dito!." Bossy na utos nya sa dalaga.
Iniwan nila ang kwarto ng hindi manlang naramdaman na may naka-masid.
____________
Author's note:
Hello guys! First time kong gagawa ng mystery/thriller na story. I hope magustuhan nyo at i- support nyo. Feel free na mag comment ng suggestion at questions nyo about sa story!
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...