YESSIAH
Tumayo ako sa pagkakahilata sa damuhan. Ang sakit ng likod ko. tumingala ako at nakita na ang taas pala ng pinag hulugan namin ni mama. "Mama gumising ka!" Gising ko kay mama. Dahan dahan naman syang dumilat. "Asaan tayo, Yessiah?" Tanong nya habang tinutulungan ko syang tumayo.
"Nahulog tayo sa bangin. Ngayon kailangan nating mangapa sa mga dadaanan natin dahil madilim na. Wala akong dalang flashlight at lowbat na ang phone ko." Sabi ko sa kanya at dahan dahang naglakad. "Baka may snakes dito, yessiah!" Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko si Mama
"Wag kang maingay-"
"Psst! Psst!" Nagyakap kami bigla ng marinig ang mga sitsit. "Yessiah.. bilis na tumakbo na tayo." Bago pa man kami tumakbo ni Mama ay biglang may sumulpot na kotsilyo sa tabi ko. Sa sobrang panic ko ay hinatak ko si mama sa kung saan.
Patuloy kaming tumatakbo habang patuloy naman ang pagbato ng kotsilyo at pag papaulan ng bala na parang hinahabol kami. Paano kami makakatakas? Parang wala naman tao dito.
"Hahahahaha! Akala mo naman makakatakas kayo, tanga!" Sigaw nito at biglaan napa-upo si mama. "ouch nataman na ako sa paa, yessiah! Bakit kasi ako ang nasa likod!"
Tumingin ako sa likuran at nakita ko ang anino ng isang babae. Hindi kaya si..
JAEHAN.
"Sundan mo lang ang sasakyan ng Mama ni Allodyia at hahanap ako ng tyempo para mabaril sya" Utos ni Ate Sekushi. Tumango ako at mas nag focus sa pagmamaneho.
"Teka.. mukhang mas maganda kung sa bubong natin sya babarilin. Ikaw na ang umasinta at ako na ang mag dr-drive." Tumango ako at binitawan ang manibela agad naman nyang sinalo iyon. Lumabas ako sa bintana ng kotse namin at umakyat papunta sa bubong. Buti nalang at walang tao sa highway na to.
Lumuhod ako at inihanda ang pagbaril. Biglang lumiko ang kotse nya kaya mas binilisan ni Ate Sekushi ang pag mamaneho. Gagong ulupong kahit na maglaho ka sa harapan namin ay aasintahin parin kita. Pinutok ko ang baril ng maka-abot kami sa kanya.
Tumama ito sa bubong ng kotse nya. Pinaputukan ko rin ang side view mirror nya. Wala lang para matakot si gago. Idinikit ni Ate Sekushi ang kotse namin sa likod ng kotse nya. Agad ko namang tinalon ang likod ng kotse nya at umakyat sa bubong ng kotse nya.
Nilawit ko ang ulo ko sa kanang bintana ng kotse nya. Nakita ko sya na nag papanic. "Hoy tanda mamatay ka na!" Sabi ko at binaril ang kamay nya na may hawak sa manibela.
Pagkatapos kong gawin yon ay tumalon ako pabalik sa bubong ng kotse namin. Bumukas ang pinto kaya agad akong pumasok. Inihinto ni Ate Sekushi ang pagmamaneho pinanood namin kung paano sya bumagsak sa bangin. Cool mamatay na sya.
YOU ARE READING
Truth or Death
Misterio / SuspensoREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...