GAME THREE.

54 18 1
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Napahinto kaming tatlo nang biglang mamatay ang ilaw sa corridor na nilalakaran namin. "A-anong nangyayari Yessiah?" Tanong ni Aliza at kumapit sa kaliwang braso ko. Nag-kibit balikat lang ako at dinukot ang phone ko sa bulsa ko. binuksan ko ang flashlight at nauna na akong mag-lakad saaming tatlo. "Allodyia?" Tawag ko. "Oh?" Maikling tugon nya. "Dito ka lang din malapit saakin." Sabi ko at agad ko namang naramdaman ang presensya nya sa kanan ko. "Anong oras na ba? Patay na kasi yung phone ko eh pilit ko kasing tinatawagan si Xy kanina kaso ayaw talagang sumagot."


"7:30 PM." Si Allodyia na ang sumagot sa kanya. Huminto ulit kami dahil nag-bukas na ang ilaw. Pero agad din kaming napa-sigaw ng may makitang lalaking tumatakbo na duguan. "W-wag kayong pumunta sa ibaba! Pipilitin kayo ng demonyong yon na sagutin ang katotohanan tsaka nya kayo—"


BANG!


Napa-singhap kaming tatlo ng may bumaril sa ulo ng lalaki bago pa man ito matapos sa pag-sasalita. Tumakbo na kaming tatlo pababa pero namatay nanaman ang ilaw. P*ta nasaan na ba kasi ang mga tao dito sa building na to?. "Teka Yessiah? Hindi ba sabi nung lalaki wag daw tayong pumunta sa baba?" Paalala ni Allodyia.


"Hmm kung hindi tayo bababa ng mabilis baka andyan na yung bumaril duon sa lalaki so kailangan na nating bilisan!." Sabi ko at binilisan pa lalo ang pag-takbo pababa. "Pero bakit hindi tayo umakyat?" Tanong saakin ni Aliza. "Basta." Sagot ko at nauna na ulit na mag-lakad. "Sa tingin mo ba mahahanap natin si Xyrille dito sa likod ng school ha?!" Hindi ko na lang pinansin si Allodyia. "Diba dito nakita yung bangkay ni Jaehan?"


"Oo dito nga." Maikling sagot ko. "Eh bakit tayo dito pupunta?" Tanong nanaman ni Aliza. Tsk tanong naman ng tanong p*ta.


Huminto kami sa harapan ng isang malaking pader. "Dito lang kayong dalawa. ako na ang mag-hahanap kay Xyrille at Ma'am Blanca." Sabi ko at tinuro ang malaking puno ng mangga. "Mag-tago lang muna kayo sa likod nung puno."


"P-paano ka?" Tanong ni Aliza. Nginitian ko lang sya at tinignan ko si Allodyia. "Sige na dun na kayo." Nang makita ko na silang maka-punta sa likod. Hinarap ko na ulit ang malaking pader at nag handa sa kung ano man ang makikita ko sa loob.



Xyrille


Truth or DeathWhere stories live. Discover now