CAMPING DAY ONE.

21 8 1
                                    



"Oh bilisan nyo na ang paglalakad, tsk." Naiiritang sambit ng matabang lalaki na driver ng bus.


"Opo eto na nga po." Mataray na sabi ni Aliza. Pumasok sya sa loob ng bus at tumabi kay Yessiah. "Uyy, buti naka recover ka na? Diba nahulog kayo ni Tita sa bangin?" Bungad nito kay Yessiah. "Hay nako wag mo na nga ipaalala. Tsk alam mo ba? Nanaginip ba naman ako na pinapatay raw ako nung punyetang mga babaeng yon? Tapos sabi pa ni Papa umalis na raw si Callix? Totoo ba? kasi kung oo tapos nalaman ko na silang tatlo ang may pakana? Nako papatayin ko talaga sila ulit." Galit na galit na sabi nito kay Aliza.


"Chilax. Patay na yung tatlong yon. Tsaka oo totoo na umalis na si Callix ayaw na nga daw nya sayo sabi nya eh. Tsaka ano bang nangyayari sayo? Bakit mo naiisip na buhay sila?" Takang tanong ni Aliza habang naka tingin ng mapanghusga kay Yessiah. "Teka? Ikaw bakit andito ka? Patay ka na eh. Marami na kayong namamatay si Whinna patay na sya diba? Tsaka si Cynthia ininterrogate na yon ni Officer Zeke eh tapos inamin nya lahat ng mga ginawa natin kila Luanne!" Nag wawalang sambit nito at tumayo. Pinag masdan nya ang mga tao at nanlaki ang mga mata nya ng makita ang mga pamilyar na mukha na ngayon ay nakatitig sa kanya.


"Ano? P-p-patay na kayo! I-ikaw nga Kevine patay ka na!" Sabi nito sa nanlalaki nitong mga mata. "Hoy Yessiah gago ka? Buhay na buhay ako tanga! Ikaw nga tong akala namin patay na eh. Nahulog ka kaya sa bangin tapos tatlong buwan kang coma, tsk." Galit na sambit ni Kevine. "Tsaka anong sinasabi mo na umamin ako kay Officer Zeke? Kingina bat ko aaminin yon? Taragis ka rin eh." Takang tanong ni Cynthia habang ngumunguya ng bubblegum.


"P-pero..."


"Guys wag kayong ganyan. Maybe napanaginipan nya yon habang coma sya." Pag awat ni Ms.Blanca. "But it feels real... Parang totoo talaga eh.." Nanlulumong sabi nito.


"Just calm down, Yessiah." Pag papahinahon ni Whinna sa mga taong nasa loob ng bus at kay Yessiah mismo. "P-pasensya na.. Sa totoo lang Ms.Blanca ang alam ko patay ka na rin eh." Pag hingi ng pasensya ni Yessiah habang kinukutkot ang daliri nito.


"Hahaha, ikaw talaga." Natatawang sabi ng guro at kumumpas ang kamay na parang may hinahampas. "Baka patay narin ako?" Biglaang singit ni Mr.Chua habang naka ngisi ng mapang asar at nakatingin ang matatalim nitong mga mata kay Yessiah. "O-opo" Usal nya sa mahinang boses na para bang hangin lang ang makaka rinig.


"Hayaan mo na haha. Baka dala lang yan ng coma." Sabi nito at naupo sa harapan. "Baka dala yan ng konsensya mo sa mga ginawa mo." Biglang may walang kabuhay buhay na boses ang nag salita galing sa likod. Tumayo ang isang binatang may matipunong katawan mula sa pag kaka-upo nito sa likod ng bus. Tumingin ang masungit nitong mga mata sa bilugang mata ni Yessiah.


"C-Callix? Akala ko umalis ka na?" Naka-ngiting sabi ni Yessiah. "Oo umalis na ako. Umalis na sa buhay mo." Sambit nito at taas noong nag lakad papunta sa pinto ng bus. "Sa iba na lang ako sasabay. Hindi ko kayang maki halubilo sa mga kagaya nyo." Sambit nito muli at lumabas ng bus. Pag labas na pag labas naman ng binata ay agad na pinatakbo ng driver ang sasakyan.


"Ay ano ba yan kuya! Di ka naman nag ingat. Hay nako hindi pala magaling pumili ng driver ang may-ari ng school eh " Naiiritang reklamo nila. "Pasensya naman ah.." Pag hingi nito ng paumanhin at ngumisi ng makahulugan. Tumingin sa salamin ang matapang nitong mata.

Truth or DeathWhere stories live. Discover now