GAME ONE

88 22 0
                                    



TIK-TOK-TIK-TOK


Ngumisi ang babae habang pinag mamasdan ang pribadong skewelahan na nag ngangalang St. Eves University. Dinilaan nya ang dugo na nasa dulo ng kotsilyo nya. "Marami pa pala kayo. Hahahaha" Sabi ng babae at sinako ang ulo ng bago nyang biktima. "Tsk hindi ko na kasi mautusan si Yessiah." Malungkot na sabi nya. Ngumisi sya ulit at tumawa ng malakas. Ang huling huli nyang sinako ay ang paa ng kanyang biktima. "Tara na, Shella. Dadalhin na kita sa mga kaibigan mo." Naka-ngiting sabi ng dalaga sa sako at lumabas na sa kanyang pinag tataguan.



---*



XYRILLE



"Guys!" Sigaw ko at niyakap silang lahat. "Miss you bes" Malanding sabi ni Aliza saakin. "Gosh parang dalawang araw lang tayong umuwi sa kanya kanya nating mga pamilya miss mo na ako?" Natatawang tanong ko. tinaasan nya lang ako ng kilay. Nag-taka naman kaming dalawa ng mapansing tahimik lang sila Allodyia. "Hey? Don't tell me naalala nyo nanaman si Jaehan? Dalawang buwan na syang patay." Sita sa kanila ni Aliza. "Ngayon na ang nakatakdang araw." Bulong nilang dalawa. Nag katinginan lang kami ni Aliza at nag kibit balikat.


Tumunog na ang bell senyales na pasukan na. nag lakad na kaming apat papunta sa classroom pero ganon parin ang dalawa. pag-dating namin sa 4th floor nakita kong pinag kakaguluhan ang section c. hmmm? Ano naman kaya yon? Maki-chika nga. "Oy mga guys. Tara maki-chika tayo." Yaya ko sa kanila. Mukha namang naging interesado din sila kaya pumunta na kami don.


Nag-simula na akong mag taka ng sobra dahil sa naririnig kong pag-iyak nila. Anong meron? Mag re-resign na ba yung professor nilang pogi? Nalungkot din ako dahil crush ko pa naman yon. Nagulat naman kaming apat ng mabasa ang naka-lagay sa black board nila. 'REST IN PIECE TO SHELLA AGUILAR.' Yan ang naka-sulat gamit ang dugo. Nakita ko ang professor nilang pogi na ginugupit ang mga nakataling barb wire sa sako. Pag bukas nya ng sako ay napa-singhap kaming lahat.


Lumabas sa sako ang isang braso na may gold bracelet. Mababasa mo ang katagang Shella. Nag-gloves ang professor nila at kinuha ang mga parte ng katawan sa sako. Ang huli nyang nilabas ay ang ulo nito. Lumapit ako sa eksena dahil sa sobrang curiosity. Sabay naman kaming napa-singhap ng mabasa ang naka-sulat sa isang piraso ng papel na naka-dikit sa ulo nito.



************************************************************

'Hello Mr. Chua!

Gusto ko sanang maki-pag laro sayo. Simple lang naman ang mechanics. Pumunta ka sa may rooftop kasama ang isang istudyante, dahil sya ang magiging special guest nating dalawa.

At nga pala. You need to answer the TRUTH or I will cut your student's throat. Kapalit ng pag-tatago mo ng katotohanan ay kamatayan.

Are you ready to play the TRUTH OR DEATH?

-bottons



­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­

Nag katinginan kaming dalawa. "Susundin ko kaya?" Tanong nya saakin. Tinignan ko sila Yessiah na ngayon ay nakitingin narin. "Para saakin, Sir. Chua sundin mo." Sabi ni Allodyia. "Oo para saakin din." Pagsangayon ni Yessiah. Kami ring dalawa ni Aliza ay sumangayon. Tumango si Sir at lumabas, sumunod narin kaming apat dahil dumating na ang mga pulis. Natitigan ko sa mata ang isa sakanila, na shock ako ng ngumisi sya. B-bakit parang iba ang ibig sabihin ng ngising yon? At yung mga mata nya, nakakatakot.


"Xyrille?" Tawag saakin ni Yessiah. Tumakbo na ako para maka punta sa kanila. "Naka-pili na si Sir. Chua ng isasama nya. Tara na punta na tayo sa room." Sabi ni Aliza. Tumungo na lang ako at sumunod na kaming dalawa kila Yessiah na ang bilis mag lakad.



***



"Andito na kami." Malumanay na sabi ni Mr. Chua. Nangangapa silang dalawa ng kanyang estudyante sa pag-lalakad dahil sa sobrang dilim. "Psst! Wag kayo jan andito ako!" Napalingon silang dalawa at bahagyang napa-atras ng makita ang itsura ng babaeng nasa gitna ng kwarto. Hindi manlang nila namalayang dalawa na nasa dulo na pala sila ng silid.


Tumawa ng napaka-lakas ang babae at sinenyasan silang maupo. Dahan dahan silang naupong dalawa dahil sa takot. Matapang na tinitigan ng guro ang babae sa mga mata nito, kahit na hindi nya ito makita dahil sa nakatahing butones sa kanan nitong mata at ang malaking tahi na pa-ekis sa kaliwa.


"If you could read my mind. I'm pretty sure you'd be traumatized for life." The girl said then grab the teachers collar. "Tell me the truth. Anong nangyari sa araw na yon? Yung araw na nawala si..." Binulong ng babae ang karugtong sa guro. Nawala ang ekspresyon sa mukha ng guro. Ngumiti ang babae at kitang kita ang pag banat ng balat nya dahil sa mga tahi sa kanyang pisngi.


Dinampot ng babae ang kutsilyo nya sa sahig at pumunta sa likod ng lalaking estudyante. "Ang gwapo mo naman. Gusto ko tuloy i-hang ang ulo mo sa pader ng kwarto ko." Sabi ng babae at tinutok sa leeg ng binatilyo ang kutsilyo. "Ano na Mr. Chua? Bibilang ako ng sampo at kapag hindi ka parin sumagot susugatan ko na to" Pananakot ng babae sa guro.


"Bakit ko naman sasabihin kung anong nangyari." Pag mamatigas ng guro. Natuwa naman ang babae at sinugutan ang mukha ng binata. Napa-hiyaw ito sa sakit na lalo pang mas ikinatuwa ng dalaga. "T-teka anong ginagawa mo?" Utal na tanong ng guro. "Ay gwapo sana kaso bobo. Sabihin mo na kasi kung anong gusto ko o tatagpasin ko talaga ang ulo ng lalaking to?" Nayayamot na sabi ng babae.


"Mawawalan ako ng lisensya kapag sinabi ko yun." Naka-yukong sabi ng guro at ikinuyom ang kanyang mga kamay. "Sige. Wala ka palang kwenta eh." Sabi ng dalaga at...


Gumulong ang ulo ng binata sa paanan ng guro. Napa-singhap sya at dahan dahan napa-tingin sa dalaga. "Hindi pa dito natatapos ang lahat wag kang mag alala." Sabi ng babae habang hinahatak kung saan ang katawan ng lalaking estudyante. Hahabol sana ang guro ng may maramdaman syang kirot sa kanyang leeg at uting uti syang nahilo. "A-anong nangyayari?" Nanginging na tanong ng guro bago ito bumagsak sa malamig na sahig


***

Lahat ng estudyante ay napa-pikit ang iba ay nasuka o kaya ay napaluhod. Matapang na pumunta ang kanilang school president na si Yessiah sa kamay na nasa labas ng itim na sako. Lumuhod si Yessiah upang kilalanin ang kamay nito sa pamamagitan ng tattoo na nakalagay sa pulsuhan ng kamay. Napa-kuyom ang kanyang mga kamay at nag-ngalit ang kanyang mga bagang.


"The game has started." Bulong nya. 



_____________________________________________________________________



END OF GAME ONE.

Truth or DeathWhere stories live. Discover now