PLAK-PLAK-PLAK
Walang kahit anong maririnig sa silid kung hindi ang patak ng dugo galing sa malaking lamesa. "Hay nako ang taba mo masyado ang hirap mo tuloy tadtarin" Daing ng dalaga habang pinupunasan ang butil ng pawis sakanyang pisngi. Sinako nya ang braso ng babaeng biktima nya. Sinunod nyang tanggalin ay ang kanang hita. "Hay p*t*ng*na ang taba taba." Gigil na sabi nya at malakas na tinagpas ng tulayan ang hita nito. "Hay nako sayo pa lang ay pagod na ako." Sabi nya at naupo. Tinitigan nya ang isang frame na naka-sabit malapit sa may bintana. "Uubusin ko silang lahat..." Bulong ng dalaga at lumapit ulit sa bangkay na nakahatag sa mesa. Buong lakas nya ulit na tinagpas ang kaliwa netong hita.
***
Xyrille.
"Hoy Xy! Di daw umuwi si Mr. Chua kagabi sa dorm ng mga professor!" Bungad saakin agad ni Aliza ng maka-pasok sya sa loob ng dorm ko. Ha? nako ano na kaya ang nangyari sa kanila ng estudyante nyang sinama nya?. "Sino naman ang nag-sabi nyan sayo bessy?" Tanong ko sa kanya at binigyan sya ng fresh milk. "No one. Narinig ko lang jan somewhere." Natawa ako sa sagot nya. Gaga to chismosa talaga haha.
May kumatok ng napaka-lakas sa pinto ko kaya napatigil kami sa pagtawa. Hay nako sino naman kaya yan?. "Sino ba yan?" Naiiritang tanong ko. "Kami to!" Napakamot ako sa ulo ko ng marinig ang boses nila Yessiah. Pinag-buksan ko sila at bahagya akong nagulat ng makitang pawis na pawis at hingal na hingal silang dalawa.
Dumeretsyo silang dalawa sa sofa at naupo. "Anong nangyari sainyo?" Usisa ni Aliza. "Si Joana Megiulin. Yung taga- section d? P-patay na" Napasinghap kaming dalawa ni Aliza sa sinabing iyon ni Yessiah. "Paano nyo nalaman?" Kunot noong tanong ni Aliza. "Habang papunta kami dito nakita namin yung mga pulis at mga teacher. Tapos nakisilip kami. Ayun nakita namin syang naka-sako." Sagot ni Yessiah.
"Pero nakilala lang na sya si Joana dahil sa I.D na nagsisilbing tali nung sako." Mahinang sabi Allodyia. Ha? anong ibig nyang sabihin? "Kung nag tataka kayo kung bakit. Wala kasi yung ulo nya duon sa sako. Mga hiwahiwalay na parte lang ng katawan nya." Paglilinaw ni Allodyia. Parang kagaya lang din kahapon. Ang kaibahan lang neto wala itong ulo. "Hay anong gagawin natin?" Depress na sambit ko.
"Wala basta maligo na tayo at umaktong wala tayong alam." Sabi ni Yessiah. Tumayo na sya at dumeretsyo sa labas. "Ahh sige aalis na din ako." Paalam ni Allodyia. Sinenyasan na din ako ni Aliza na lalabas na sya.
Hmm bakit pakiramdam ko may alam si Yessiah na hindi nya pinapaalam saamin?.
***
"Miss Clain?" Napatingin ako sa lalakeng tumawag saakin. "Ahm ano po iyon?" naka-ngiting tanong ko sa tumawag saakin. Base sa kanyang uniform pulis sya. "Nakita namin ang cellphone ni Mr. Chua at nakita namin ang mga pagtawag mo sa kanya nung oras na pumunta sila ng estudyante nya sa rooftop." Ha? Pagtawag? "Teka lang po, wala po akong alam sa mga sinasabi ninyo. Tsaka kahapon pa po nawawala ang cellphone ko." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo ng pulis. "Ganoon ba? sige tara sumama ka muna saakin." Sabi ng pulis at hinatak ako. Saan naman nya ako dadalhin?
***
Yessiah
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko ng marinig kong tumunog ito. Unregistered number? Sinagot ko naman ang tawag at hinintay na mag salita ang nasa kabilang linya. "Psst na-miss mo ako no?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yun. Sya to, hindi ako pwedeng mag-kamali. "A-ano nanaman ba ang gusto mo?" Mariing tanong ko. Hindi ko naman sya magawang babaan ng tawag dahil alam kong pag-ginawa ko yun magagalit sya at baka patayin nya ang mga kaibigan ko.
"Wala naman. kinakamusta lang kita." Sinandal ko ang likod ko sa upuan ko. "Nasaan si Mr. Chua? At yung estudyante nya?" Tanong ko sa kanya. "Baket ko naman sasabihin?" Mapang-tuya nyang sabi. "Parang awa mo na tumigil ka na." Naiiyak na sabi ko sa kanya. "Awa? Sorry di ko alam yon eh." Pang-aasar nya saakin. Buti at walang tao dito sa office ko. "Bakit ka ba pumapatay? Si Jaehan kinuha mo na nga sya saamin pati ba naman yung iba kukunin mo parin? Ano bang dahilan ng pag-patay mo ha? Baliw ka ba? May kasalanan ba kami sayo? T-tsaka sino ka ba talaga?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. "Tsk ang daldal mo, sarap talagang tagpasin ng dila mo kahit kelan. Wag kang mag-alala magkikita pa naman kayong dalawa ni Jaehan dahil ihahatid kita papunta sa kanya. Hahahahahaha." Nag-buntong hininga na lamang ako at tumulala sa may bintana na nasa gilid ko.
"Ang ganda mong tignan sa ganyang itsura mo Yessiah. Lalo ko tuloy gustong tanggalin ang ulo mo at i-hang sa bintana ng kwarto ko." Napa-lunok ako ng laway dahil sa sinabi nya. "Isusunod mo na ba ako?" Natatakot na tanong ko sabay tingin sa family picture na naka-lagay sa may mesa ko. "Nah. Masyado pa akong pagod dahil kakatapos ko lang na..." Pabiting sagot nya. Tsk nakaka-inis talaga ang mga pang-aasar nya. "Maghugas ng mga gamit ko na ginamit ko pang-tadtad kay baboy." Napa-takip ako sa bibig ko ng marinig iyon. Hayop talaga sya. "Ipapupulis kita!" Nanggigigil na banta ko "Hmmm lalo tuloy akong naganahan na makipag laro sayo Yessiah. Catch me if you can. You better run faster baby. Or I will cut your filthy head full of idiotic ideas."
Pagkatapos nyang sabihin yon ay namatay na ang tawag. G*go talaga. tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Aliza at Allodyia na pawis at hinihingal pa. ano naman kaya ang nangyari?
"Natagpuan ng mga teachers si Bethany. Na... na naka-sabit ang ulo nya sa puno na katabi ng flagpole at yung katawan nya ay naka-gapos ng napaka-higpit duon sa flagpole mismo. Sira ang mga CCTV Cameras kaya hindi nakita kung sino ang may gawa. At..." Pabitin pa sa balita ni Allodyia at tumingin kay Aliza.
"Si Xyrille nawawala." Dugtong ni Aliza na dahilan para mangilabot ang mga balahibo ko. Tsk baka si Xyrille ang isusunod nya. "Ganoon din si Ma'am Blanca, nawala sya at the same time na nawala din si Xyrille sa pwesto kung saan namin sya iniwan."
Malamang sya ang may kinalaman sa lahat ng to.
__________________________________________________________________
END OF GAME TWO
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...