Xyrille.
Napapansin ko lang na nagagawa ko ng lumayo sa kanila. Ngayon ay pang apat na araw na, na hindi ko sila kasama. Hindi narin muna ako nakikibalita tungkol sa mga namamatay. Ngayon ay napag-disesyunan ko na pumunta sa nasasabing paboritong doctor ni Luanne. Nag suot lang ako ng white t-shirt at blue pants. Sinigurado ko na wala na akong nakalimutan. 3:00 pm na kailangan ko ng maka punta duon para di ako gabihin.
Bumaba ako sa parking lot at nag drive na papunta sa destinasyon ko. Hindi naman ako nahirapan na mahanap ang subdivision kung saan sila naka-tira. Hiningan lang ako ng I.D at pinapasok na sa loob. Maganda ang subdivision nila nag park ako sa parking lot at naisipan ko na mag lakad na lang papunta sa bahay nila. Ang description ni Tita, number 143 daw ang nasa gate nila at kulay blue ang gate.
Na-confirm ko na ang bahay na nasa harapan ko ay ang bahay nila. Nag doorbell ako at agad na nag bukas ang pinto, bumungad saakin ang isang matandang babae. Halatang sya ang maid dahil sa uniform nya. "Pwede ko po bang malaman kung andyan si Dra. Arria Miyamato?" Naka-ngiting tanong ko. "Nako ija, mamaya pa ang check up ni Dra. mga 6:00 pm." Sagot saakin ng babae.
"Ay! Hindi po ako mag papa check up. Ah iba po sana ang concern ko." Sabi ko. "Ay nako ganon pala. Sige pasok ka at tatawagin ko si Dra." Pumasok ako sa loob. Namangha ako sa sobrang ganda. May isang parang kwarto sa gilid at may mga mahahabang upuan. Malamang yun ang clinic nya. Tapos ang katabi non ay tatlong kotse at isang ambulansya. Malalago rin ang mga rose at mga carnation sa bawat gilid ng bahay.
"Mag hintay ka muna sa sala, ija. Titignan ko pa kasi kung gising na ba si Dra. kakarating lang kasi non kaninang 10:00 eh." Tumango lang ako kay manang at naupo sa malambot nilang sofa. Grabe ang laki ng bahay nila at ang ganda ganda. Napa-pitlang naman ako ng biglang may batang babae na tumabi saakin. Grabe napaka-taba nya!. "Heyow~ Shino ka?" Tanong nya saakin, Ngumiti sya at nakita ko ang lima nyang ngipin. Haha dalawa lang ang ngipin nya sa ibabaw at tatlo naman sa ibaba. may bunny teeth sya oh my god.
"Ako si Xyrille. Andito ako dahil gusto kong maka-usap si Dra.Arria. Kilala mo ba sya?" Tanong ko sa malambing na boses. Tumango sya at tumawa. "Hahaha. Hanap mo shi mommy ko!." Sabi nya. Tumuro sya sa itaas kaya agad akong napa-tingin sa itinuturo nya. Anduon ang isang babaeng napaka-ganda, halata sa kanya na grown up na sya at walang emosyon ang mga mata nya. Mahaba ang buhok nya at maputi puti ito. Mas maganda sya ng ilang doble kay ate Sekushi.
"Ayan na shi mommy ko." Napatawa naman ako nang maramdaman ang pag bulong ng cute na bata saakin. "Hmm. Recka, bumalik ka sa kwarto mo may kakausapin lang ako" Nagulat naman ako ng biglang naka upo na sya sa isang black na swivel chair na nasa harapan ko. Recka pala ang name nya. "Pewo, usto ko din malaman sapan nyo!" Nag mamaktol na sabi nya.
"Pasensya na ha? salbahe talaga ang batang yan. Hintayin mo ako dito dadalhin ko lang sya sa tatay nya." Tumango na lang ako. Grabe ang ganda ng boses haha. Binuhat nya si Recka at umakyat sila sa itaas. Bumalik sya at naupo muli sa swivel chair.
"What's your name?" Tanong nya saakin. "I'm Xyrille and I'm from St.Eves University." Naka-ngiting sabi ko. "Oh. I have worked there but I resigned for some reason." Sabi nya saakin.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...