CAMPING DAY FOUR.

18 7 1
                                    



Mabigat ang hininga at pinag papawisang tinatahak ni Kevine ang daan. "Wag na lang kasi natin silang puntahan, Kevine!" Sigaw ni Callix sabay hinto sa pag takbo at hawak sa kanyang tuhod. Huminto rin si Kevine at dahan dahan na lumingon sa lalaking nasa likod nya.


"Ano?" Tanong nito habang naka kunot ang noo. "Come on. Hindi natin sila mapupuntahan! This fucking place will just play on our imagination! Sige sabihin mo saakin naka ilang balik na tayo rito, Kevine?!" Pagod na sigaw ni Callix habang hinihingal at tumutulo ang pawis sa kanyang mag kabilang sintido.


"Ang bilis mo namang sumuko, Callix. Ang hina hina mo naman." Seryosong sabi ni Kevine habang matalim ang titig ng kanyang kulay asul na mata sa kanyang kasama. Iniaangat ni Callix ang kanyang tingin upang titigan ang asul nitong mga mata. Malalim, madilim at mahirap basahin ang sinasabi ng kanyang itim na itim na mga mata.


"Ako pa ba ang mahina, Kevine? Ako pa ba ang mahina na sa araw araw wala akong makita kundi ang nakaraan? Hindi ako mabilis sumuko, Kevine. Pagod na ako... pagod na pagod na." Maka hulugan nitong sambit. Umatras si Kevine at lumambot ang kanyang reaksyon. Isang alaala ang bumalik at sumakop sa kanyang isipan...


"Wag ka mag alala Callix! Promise kaya nating tapusin to!" Sigaw ni Kevine habang masayang nag m-mop at may nakaka lokong tingin sa kanyang kaibigan. "Dinawit mo nanaman ako sa kalokohan mo. Ewan ko talaga bakit kahit na i-bully mo ako kaibigan parin kita." Naka ngiti at natatawang sambit ni Callix pinunasan nya ang kanyang pawis gamit ang isang puting bimpo.


"Callix? Pareho ng wala ang mga nanay natin. Siguro oras na para mag hanap ng bagong babae na papalit sa kanila." Seryosong sabi ni Kevine sabay bato ng bunot sa lalagyan nito. Iniangat naman ni Callix ang tingin sa kanyang kaibigan at tumindig ng maayos.


"Anong ibig mong sabihin?" Inosenteng tanong nya habang naka kunot ang noo. Napaka pungay ng kanyang mga mata na hindi mo mai aalis ang tingin rito. Tumawa si Kevine at umupo sa isang upuan na naka kalat sa may rooftop.


"Bakit hindi tayo manligaw?" Sabi nito habang naka ngiti at maloko ang tingin kay Callix na namula. "Whoa! Taena blushing ka pare? Shit may nag papatayo na ba nyan?" Gulat na reaksyon ni Kevine sabay tayo at sinampal sampal ang pisngi ni Callix gamit ang kaliwa nyang kamay habang naka takip naman sa kamay nya ang isa.


Umatras si Callix at pabirong tinulak ang binata. "Bastos ka. Mahinhin sya at maganda. Pero di kami mag ka lebel kaya manahimik ka. Nandyan pa naman ang ate ko." Nag susungit pero naka ngiti nitong sabi. Ngumisi si Kevine at inakbayan ang kaibigan.


"Taken na ba yang si Ate Ceriana?" Tanong nito sabay hagalpak ng tawa. Umirap si Callix at naki sabay rin sa pag tawa. "Ewan ko hahaha. Siguro kay Kuya Blake." Mapag asar nitong tugon. Tumigil sa pag tawa si Kevine at tinulak ang kaibigan.


"Tss. Tara na nga mag linis na tayo." Masungit na tugon nito bigla at hinalbot ang walis kay Callix.


"Alam ko kung gaano ka kapagod pasensya na... Pasensya sa mga nasabi ko." Deretsyo lamang ang tingin nya sa mga mata ni Callix at mabigat ang bawat pag hinga nya. Lumayo ng tingin si Callix at nag kuyom ang mga kamao nya.

Truth or DeathWhere stories live. Discover now