YESSIAH.
Hindi na ako naka kilos pa at nanatili na lamang akong naka dapa. Sobrang sakit.. hindi ko na talaga kaya. Tumitig lang ako kay Ria na ngayon ay naitulak na si Hoshino at pinag sasasaksak nanaman ang patay na katawan ni Tito Leyko. Sumisigaw lang sya at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko masyadong marinig ang mga sinasabi nya dahil sa sobrang sakit ng nasusunog kong laman at balat.
"All this years... I cried and cried for him.. tapos yun lang ang maririnig ko.. You're so useless Leyko.. Multiple death is not enough to make you pay your sins!" Sigaw nya ulit at sinaksak ulit ang leeg ni Tito. Natalsikan pa ako ng dugo nya sa mata ko. Pilit syang inaawat ni Hoshino pero sinusuwag nya lang si Hoshino.
Umiyak na lang ako habang nakikita ko ang paulit ulit nyang pag saksak sa naka hilatang katawan ni Tito. Para bang hindi sya napapagod. Punong puno na ng dugo ang mukha nya at ang buhok nya.
"Tita Ria, please stop" Sabi ni Luanne at hinawakan nya si Ria sa balikat tumigil naman si Ria at umiyak na sya. Nagulat ako ng makita kong umiiyak sya na parang teenager habang sinusuntok suntok ang katawan ni Leyko.
Pipikit na sana ako dahil sa nararamdaman kong sakit sa hita ko pero napamulat ako ulit ng may makita akong lalaki na pumasok. Mukhang nasa mid 30's sya or what. He hugged Ria while whispering things in her. Mukhang kumalma naman sya at niyakap nya ng mahigpit yung lalaki na yumakap sa kanya.
Nanlaki muli ang mga mata ko ng makita ko na pumasok si Jaehan sa pinto habang may daladalang sako. W-What the fuck? Akala ko ba patay na sya? Naka tingin sya saakin bago sya ngumiti at itinapon sa harapan ko ang plastic na itim.
"Why did you came here, KC?" Tanong ni Ria bigla kaya bumalik ang tingin ko sa kanya at hindi ko na inisip pa kung ano ba ang laman ng plastic na yon. Ngayon ay may dugo na rin si KC malamang yun ang pangalan nya dahil yun ang tawag sa kanya ni Ria.
Ngumiti naman sya at halata ang ka gwapuhan nya nung kabataan nya pa. Ginulo nya ang buhok ni Ria at tinitigan nya ko. "I came here to give her our present, and to stop you." Kalmado nyang sabi, siguro sanay na sanay na sya na awatin si Ria kapag nag wawala sya. Tinignan naman ako ni Ria mula ulo hanggang sa paa ko.
"Hindi muna ako sasama sayo, KC. I want to watch them" Naka ngiti nyang sabi. Nagulat naman ako ng paandarin ni Luanne ang chainsaw at putulin ang ulo ni Tito. Sa sobrang lakas ng pag bitaw nya ay lahat kami na andito natalsikan ng dugo.
"Thanks, to you Tita Ria namatay sya ng dilat. Binawasan mo ang hirap ko, oh at naka nganga pa sya." Sabi nya at kinuha ang maliit na kotsilyo sa bulsa ng pantalon nya. Napapikit ako ng bahagya ng putulin nya ang dila ni Tito Leyko at ilagay iyon sa isang plastic labo. Parang naka ramdam ako bigla ng pag ka umay at gusto kong isuka ang mga kinain ko kahapon. Nababalot na ang kamay nya ng dugo pero walang ka abog abog ay dinukot nya ang mata ni Tito. Tuluyan na akong nasuka dahil sa pag kakahatak nya sa ugat ni Tito.
Inikot ikot nya pa ang mata ni Tito at tumawa sya. "Para lang tong pearls. Kaylangan mong dukutin para makuha mo tsaka mo ireregalo" Inilagay nya sa bagong plastic labo ang mata ni tito. Gumalaw ako ng konti para hindi ko mahigaan ang suka ko pero sa kamalas malasan naman eh ang naitukod ko ay ang paa ko na wala ng daliri kaya napa sigaw ako ng malakas.
YOU ARE READING
Truth or Death
Misterio / SuspensoREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...