YESSIAH.
"Ang laki ng problema natin ngayon, Madam Principal. Nawawala parin si Ms. Blanca pati narin si Mr.Chua at si Whinna De Guzman." Down na down na na sabi ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, mismo ang school council ay tumutulong narin sa pag-hahanap sa mga taong iyon pero wala padin kahit isang hints kung asaan sila. Natatakot pa ako sa kung ano pa ang pwedeng mangyari kung sino pa ang pwedeng mawala at mamatay.
"I don't know what to do anymore, Ms. Collins. I keep on thinking Why it is happening? Who's behind this? What's the killer's reason?" Naiiyak na sabi ng principal. Napa-isip din ako sa mga sinabi nya. Ano nga ba? Tsk nakukunsumi narin ako. "Let's rest. Tomorrow na lang tayo mag-usap. About sa killer na yan, basta ang mahalaga na sabi ko na sayo ang mga gusto kong sabihin" Huling sabi ni Madam Principal, tsaka sya lumabas kasama ang secretary nya.
Tumayo na din ako habang inaayos ang mga gamit ko. Ako na din ang naglock ng pinto. Lumilingon lingon ako sa likod ko habang nag-lalakad dahil pakiramdam ko ay may sumusunod saakin. Kinabahan ako lalo sa biglang pag-patay ng ilaw at pag-tahimik ng paligid. Tumakbo na ako, ayos lang kahit na mahulog ako sa hagdan or what dahil alam ko naman na mababalian lang ako, sanay akong mabalian kaya naman siguro kakayanin ko yun kung mahulog man ako, wag lang na mamatay ako sa brutal na paraan. Alam kong andyan sya, ang tunog ng takong na iyon, ang pag-patay ng ilaw mga senyales na parating na ang kamatayan ko.
"Yessiah my darling, stop running and face me." Narinig kong sabi nya sa malambing na boses. Punyeta sya nga. "Go to hell!" Galit na sigaw ko. Tsk saan na ba ako napupunta? "Oh darling where do you thing I live?" Sagot nya naman saakin. Napa-luhod ako ng may maramdamang kirot sa likod ko. Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng likod ko, naramdaman ko lalo ang sakit ng magalaw ko ang matulis na bagay na ngayon ay naka-tarak sa likod ko. napa-tili ako ng maramdaman ang marahas na pag-hatak nya sa buhok ko.
"Ayoko talaga sa lahat ay yung pinapagod ako." Nanggigigil na bulong nya saakin. Napa-tili akong muli dahil sa sakit ng naramdaman ko sa bandang likod ko, pakiramdam ko ay may hinatak sya. "Wag ka na kasing tumakbo pa. akala mo naman ay mamatakbuhan mo ako. ikaw? Si Yessiah Collins kayang tumakbo at maka-takas sa kamay ko? Mag palakas ka muna ng buto mo at labanan ako malay mo matalo mo na ako." Nangilabot ako dahil sa mga narinig ko. T-tama nga ba ang nasa isip namin? Sya nga ba talaga?.
Sinubukan kong titigan ang mukha nya pero hindi ko talaga makita. Naramdaman ko ang pag-hatak nya saakin. Sinubukan kong mag-likot pero masyadong masakit ang saksak ko sa likod. Ako na ba ang isusunod nya?
"T-teka saan mo ako dadalhin?" Natatakot na tanong ko. "Wag ka ngang tanong ng tanong." Naiiritang sagot nya. Mamamatay na nga ata ako. "Wag kang mag-alala di naman kita papatayin eh." Tumatawa tawang sabi nya. Talaga bang hindi nya pa ako papatayin sa ginagawa nyang to saakin? "Pahihirapan lang kita ng slight." Napa-kuyom naman ang kamao ko ng marinig ko yon ano bang problema nya? "Ano bang gusto mo ha?"
Imbis na sagutin nya ako ay hinarap nya ako. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. nakakatakot talaga ang mukha nya. "Gusto kong mag-hirap ka." Sabi nya naramdaman ko ang pagsuntok nya sa tyan ko. "Bugbog lang naman ang matatamo mo saakin. Wala na ako sa trip pumatay dahil, kakatapos ko lang kanina." Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa narining ko. "Sino naman ang pinatay mo?" Matapang na sagot ko.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...