YESSIAH.
Napa-pikit na lamang ako ng makita ang dinanas ni Aliza. Hindi ko inaakalang mamatay sya ng ganito. "President, may nakuha yung mga pulis na isang sulat at recorder sa hita ni Aliza, at naka-pangalan yon sayo." Bulong saakin ni Gaelle. Bigla naman akong kinabahan, saakin?.
Lumapit ang isang pulis saakin at ipinakita nya ang sulat, kasama nito ang recorder. "Ms. Collins, Kailangan mong sumama saamin sa prisinto."
---***---
"Mukhang natutuwa ka ata, aking kapatid? Ano na ba ang nangyari sa kanila?" Sambit ng isang babae habang naka-tulala sa kawalan. "Hahahahaha! Malamang ay iisipin nila na si Yessiah ang may kinalaman. Bakit nga ba kasi ngayon ko lang naisip na gawin iyon?" Hagalpak naman ng isa pa.
"Hmmm. Ano ba iyon?" Tanong muli ng isang babae sa mahinahon nitong boses. "Ahh pinasok ko lang naman ang kwarto ni Yessiah tapos kinuha ko ang mga finger prints nya. Nilagyan ko ang mga tape at ang sulat at recorder, pati narin ang lalagyan nito hahahahaha." Sagot nya sakanyang masaya at matinis na boses. Nag-ring ang telepono ang babaeng naka brown na cardigan na ang sumagot.
"Hello?"
"Miss me?" Kumunot ang noo ng babae.
"Hmm?"
"Mukhang hindi mo nakikilala ang boses ko, sister-in-law." Huling sabi nito at pinatay ang tawag. Napatangin ang babae sa kanyang kasama. "Have you recognize that voice?" Tanong nya. Tumango ang kanyang kausap habang may luha sa kanyang mga mapupungay na mata. "Why are you crying?" Tanong ng babae at hinawakan ang mukha ng kanyang kausap.
"It's.. Jaehan's voice."
CALLIX.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa mga taong dumadaan. "Si President po hinuli ng mga pulis." Sagot ng isang freshman at itinuro ang papaalis nang mobile. Tumakbo ako papunta sa motor ko at agad na humabol sa kanila. Anong nangyari?.\
Pag-dating ko sa prisinto ay tumakbo agad ako papasok ng makita ko na pumasok na sila. "Callix?" Gulat na tawag saakin ni Yessiah. "Bakit nyo po sya hinuli?" Aligagang tanong ko.
"Wag ka munang matakot may mga itatanong pa naman kaming katanungan sakanya bago namin sya ilagay sa rehas, bata." Sabi ng isa saakin habang ginugulo ang buhok ko, kinindatan nya muna ako bago sya umalis. Ang akala nya ata okay lang ako na hinuli ang girlfriend ko.
"Callix. just calm down, I'm going to be fine." She assures me with a smile. They walk inside the interrogation room while I wait here at the door. "Anong ginagawa mo dito, Callix?" Napa-lingon ako ng makita ko si Kuya Isaac. May hawak syang mop at timba. "Si Yessiah nasa loob." Turo ko sa interrogation room. "Ha? bakit sya andon?" Tanong nya saakin at binitawan ang mop at timba.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...