KEVINE
"Nagugutom na ako baka naman pwede nyo akong palamunin mga tangina nyo." Sabi ko sakanila pag pasok na pasok pa lang namin sa cabin. Tumingin naman sila saakin ng masama. "Oh tinitingin tingin nyo?" Naiinis na tanong ko.
"Hindi ka manlang ba nakakaramdam ng bighati?" Tanong naman nila Yessiah saakin. Bighati? Punyeta naman kasalanan nila yon ambobo nila. "Pero kailangan ko ring lumamon kung ayaw nyo na ako naman ang mamatay diba?" Sabi ko at pumunta sa kusina.
Nakita ko si Callix na umiinom ng tubig. "May makakain ba?" Tanong ko sa hangin. Syempre wala naman akong close friend eh. "Etong tinapay lang ang makakain." Sabi nya at tinuro ang mga bread sticks na nakalagay sa maliit na basket. "Eto lang talaga? walang kanin kahit sardinas wala?" Tanong ko habang tinitignan ang bread sticks na nasa kamay ko.
"Oo yan lang talaga. Inubos na nila ang kanin kanina. Yan lang rin ang nakain ko, masarap naman kaya hayaan mo na." Sagot naman nya at kumuha rin ng isa. Pag kagat nya narinig ko ang pag tunog ng ngipin nya. Tapos ang tigas pa letche.
"Walang kape?" Tinanong ko ulit sya. Umiling naman sya at sumandal sa lamesa. "Wala tayong mga damit na pwedeng suotin no? Paano nayan basa ang damit mo, Callix." Singit ni Mr.Chua sa usapan at kumuha ng tubig.
"Hayaan mo na, okay lang." Sagot nya kay Sir. Pakiramdam ko talaga may tension sila. "Teka ikaw Kevine saan ka galing kagabi?" Tanong saakin ni Mr.Chua. Tanga malamang sa ilog duon nga nila ako natagpuan kanina eh.
"Don sa gutom na ilog. Lakas lumamon eh." Bored na sagot ko. "Si Arvin?" Mahinang tanong ni Callix saakin habang naka titig sa sahig.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...