GAME NINE.

33 13 0
                                        



Yessiah.


"Good Afternoon." Bati ko sa secretary ko. seryoso ang mukha nya, at nanlalaki ang mga mata nya. "Anong problema, Gaelle?" Kunot noong tanong ko. "Panoorin mo to" Sabi nya at hinila ang kamay ko. Pag upo ko sa tabi nya inulit nya ang video.


"Hi, Yessiah!" Bati ng isang babaeng pamilyar saakin. Ang killer na naka-upo sa isang bakal na upuan. Ayan nanaman ang nakaka-diring pag-mumukha nya.


"Tinatamad ako na sulatan ka, kaya naisipan ko na mag video na lang para sayo." Sambit nya habang nag lalakad. Lumipat ang focus ng camera sa isang mahabang lamesa. May babaeng naka-gapos ngunit hindi ko ito makilala, dahil naka-takip ito ng putting tela.


"Gigisingin ko na sya para mapadali na tayo. Alam ko naman na busy ka eh, mang-aagaw na presidente." Natatawang sabi nya. Tinanggal nya ang takip sa mukha nito at nagulat ako ng makita ang mukha ni Ms. Blanca. Namumutla ito at lubog na ang mata. Napa-pitlag ako ng bigla syang may ipinakitang kotsilyo.


"Ito ang gagamitin ko sa pinaka-mamahal mong guro, Yessiah." Nakaka-takot na ngayon ang boses nya. Umalog ang camera at nakita ko ang buong katawan ng Killer na naka-tayo.


"Ilapit mo ang camera!." Sigaw nya at mukhang lumapit naman ang nag hahawak ng camera dahil mas naging malapit ang mukha nya, at kitang kita na namin ang mukha ni Ms. Blanca. "Say, Hi! Ano ka ba dapat ay masaya kang makita ang estudyante mo na tinulungan mong mang-agaw ng posesyon, diba?" Sabi nya habang humahagikgik. Bahagyang napa-pikit ako at napa-kapit sa kamay ni Gaelle ng bigla nyang sinugatan ang mukha ni Ms.Blanca at binuka pa ito.


"Pasensya na, Yessiah. Ayaw nya kasi bumati eh." Nakangiting sabi nya. Ngayon ay naka-focus na lang ang camera sa mukha ni Ms.Blanca. "Ngayon ipapakita ko sayo kung paano ko pinapatay ang mga hayop na nag-kunwaring tao." Pagka-sabi nya non ay bigla nyang sinaksak ang mata ni Ms.Blanca. Tumalikod na si Gaelle at umiyak. Pag-hugot nya ng kotsilyo, naka-tarak ang mata ni Ms.Blanca sa blade ng kotsilyo at tumutulo ang mga dugo.


Hinugot nya ang mata ni Ms.Blanca at biglang niyasak ito. Muntikan akong masuka ng makita ko ang nangyari. Bumalik ang focus ng camera sa mukha ni Ms.Blanca tumutulo ang dugo nya sa mata at tila pagod na pagod na ang eksperesyon nya. Nginanga sya ng killer. "Ngayon dudukutin ko na ang dila nyang makasalanan." Pagka-sabi nya nuon ay dinukot nya ang dila ni Ms.Blanca at hiniwa ito gamit ang kotsilyong pinangdukot nya sa mata ni Ma'am.


Nilagay nya ang dila ni Ma'am sa isang garapon. Bumalik ang focus ng camera sa mukha ni Ms.Blanca. "Hay napaka-ganda ng mukha mo ano? Hindi halata na fourty-two ka na." Muling sabi nya habang sinusugat sugatan ang mukha ni Ms.Blanca. Hindi na kumikibo si ma'am at parang patay na sya pero patuloy parin ang killer sa pag sugat sa mukha nya. Umaagos na ang dugo nya sa iba't ibang parte ng mukha nya at hindi na sya halos makilala.


Bumaba ang focus sa katawan ni Ma'am. Naka-hubad sya at puro pasa ang katawan nya. "Ang sexy naman ni Ma'am hahahaha! Syempre sexy ka talaga dapat kasi ma tu-turn off sayo si Hoshino. Yung matalino sa section one? Grabe ka pinatay mo na si crush nya tapos nilalandi mo pa sya. Tsk tsk" Pag katapos nyang sabihin yon ay bigla nyang pinutol ang kamay ni Ma'am. Tumalsik pa ang ibang dugo sa camera. Sinaksak nya ang pusod ni Ma'am at inikot ikot pa ang kotsilyo. Pumasok ang buong talim ng kotsilyo sa pusod ni Ma'am. Bumulwak ang mga dugo duon at tila ba sobrang higpit ng kanyang pag kakasaksak kaya hindi na maaalis ang kotsilyo.

Truth or DeathWhere stories live. Discover now