"Ma'am w-wag nyo naman po akong ibagsak... Parang awa nyo na." Pag mamakaawa ng isang magandang dilag sa guro. Nakatingin ang matapang ngunit may lambing nitong mga mata sa guro. Sinipa ng guro ang mukha ng dalaga na agad nitong ikina talsik. Humandusay ang payat nitong pangangatawan sa malamig na sahig.
"Bahala ka dyan. Wala akong pakealam sayo." Matapang na asik ng guro. Lumabas ang guro sa silid habang may nakakalokong ngiti sa mapupula nitong labi.
Tumayo ang dalaga at agad na dinampot ang kanyang mga gamit. Tumakbo sya palabas at hinabol ang guro. "Ms.Lauriz!" Tawag nito sa guro na naka agaw pansin sa mga taong nag lalakad sa pasilyo ng eskwelahan.
Hindi lumingon ang guro at agad na sumakay sa elevator pataas. Pilit na humabol ang dalaga ngunit nag sara na ang pinto. Napa dausdos ang katawan nito sa sahig habang tahimik na lumuluha.
"Oh? Bakit ka andyan?" Tanong ng isang lalaki. Kilalang kilala ng dalaga ang boses na iyon. Lumingon ang babae sa tumawag sa kanya. Tila nagulat naman ang lalaki ng makita ang humahangos at lumuluhang mukha ng dalaga.
"Anong nangyare sayo?" Nag aalala nitong tanong at sinugod ng yakap ang babae. Pag sandal ng kanyang ulo sa bisig ng binata ay agad syang lumuha ng mas malakas.
"Ibabagsak ako ni Ma'am Blanca." Bulong nito sa tenga ng binata. Itinayo ng binata ang babae. Pinunasan nya ang luha nito gamit ang panyo. "Wag kang umiyak. Halika at samahan mo ako sa ibaba." Sabi ng binata habang inaakay ang dalaga.
Pag baba nila sa botanical garden ay pinakain nya muna ang dalaga. "Kailangan kong pumunta sa Aruel Academy para sa laban ng basketball. Umuwi ka na sa dorm mo at wag ka ng lumabas. Bukas ay pag uusapan natin yang sinasabi mo." Sabi ng binata sa dalaga. Umiling ito na ikinakunot ng noo ng binata.
"Hoshino~ Hindi ba pwedeng iba na lang ang pumunta ron? Bukas pa naman ang laban nyo at gusto kitang kasama ngayon... Ngayon lang naman ako hihingi ng pabor sayo." Malambing na sabi nito. Tinitigan ng binata ang maamo nyang mukha at ang kanyang maliit na mapulang labi.
"Hindi pwede eh. Kailangan kung pumunta ron. Sa susunod ko na lang susundin ang pabor mo." Sabi ng binata. Bumuntong hininga ang dalaga at dahan dahang tumango. "Sige ikaw ang bahala..." Sabi nito.
--
Pag pasok ng dalaga sa kanyang kwarto ay bumungad ang nag lalawang dugo sa kanyang sahig. Agad syang sumagod papasok...
Nadurog ang kanyang puso ng makita ang kanyang inaalagaang pusa na naka sabit sa bubong. Wala itong paa at wala rin ang mga mata nito. Tumutulo ang dugo ng pusa. Wala itong balahibo, kitang kita ang pag hihirap nito base sa mga galos na natamo.
"Duashi! Anong nagyare sayo" Parang nababaliw na tawag at tanong ng dalaga. Ibinaba nya ang pusa at niyakap ito ng mahigpit. "Nasaan na ang hita mo? Ang mata mong magaganda? Ang balahibo mong malambot? Aking Duashi..." Naka tulala lamang ang dalaga sa pader habang sinasabi nya ang mga katagang iyon. Naka upo ang kanyang balingkinitang katawan sa dugo ng kanyang alaga.
YOU ARE READING
Truth or Death
Misterio / SuspensoREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...