CAMPING DAY FIVE.

8 3 0
                                    


YESSIAH.


Hindi ako makapaniwala na nabubuhay paren ako hanggang ngayon. Bakit ganon? Bakit itinitira pa nila ako kung pwede naman ako na ang unahin nila. Mas hindi ko kaya na nakikita ang lahat na nag mamatayan sa harap ko habang ako eto buhay pa. Ano bang ginagawa nila saken?! Balak ba nila akong patayin sa kabaliwan?! Gusto ko ng umuwi ayaw ko na dito.


"Yessiah?" Agad akong tumayo ng marinig ko ang boses ni May. "Ano? Ayos na ba tayo?" Nanginginig kong tanong ang lamig lamig nakakatakot na lalo pa dahil pakiramdam ko nanlalamig dito dahil sa mga namatay. Si May na lang ata ang natitira kong kasama rito.


"Y-Yessiah. Tayo na lang atang dalawa yung natitira!" Biglang iyak nya at lumuhod sa harapan ko. A-Ano? Ano bang ibig nyang sabihin?!. Tinayo ko sya at yinugyog. "Anong ibig mong sabihin?!" Sigaw ko habang naiiyak narin.


"Kasi nag lalakad ako kanina tapos nakita ko sila Whinna! P-Patay na.. T-tapos pakiramdam ko si Cynthia p-patay narin!" Iyak sya ng iyak sa harapan ko kaya napa hagulgol na lang din tuloy ako. "Eh p-paano yung mga ibang year?" Tanong ko habang pinipigil ang mga luha ko sa pag patak.


"Hindi ko na sila nakikita! Paano kung naka labas na pala sila? Paano kung biglang naiwan na pala tayo rito?!" Nanginig lalo ang kalamnan ko ng marinig yon. Pero alam ko na si Madam Principal nandito pa. Malay mo naman diba? Malay mo mailigtas nya kami rito.


"Si Madam Principal.... Nandito pa sya promise yan.. Wag ka ng umiyak ha?" Kung kami na lang ni May ang andito. At tama ang hinala ko sa kung sina man ang killer. Malamang ay kami lang ang itinira nila dahil kami lang ang kasabwat.


Tumayo ako at tumingin sa labas mag gagabi na pala. "Y-Yessiah ayos ka lang ba? K-Kase para ipaalala ko sayo... P-patay na rin si Madam Principal." Tuluyan na akong nawalan ng pag asa ng maalala na oo nga pala. Namatay na nga rin pala sya.


Niyakap ko na sya at naiyak na lang din ako ng naiyak. Paano na to? Paano na? Kaya ba naming makatakas dito?


-----


THIRD PERSON'S POV.


Walang kahit na anong ingay kang maririnig sa paligid ng kagubatan kung saan ay nag sisikap ang mga estudyante at guro na makatakas. Isang himala ang dumating at hinayaan sila na makatakas ng mga nilalang na nag kulong sa kanila ng ilang araw.

"Bilis bilisan nyo ang pag takas~ Meron na lang kayong limang minuto. ang hindi pa makalabas sa blue line ay siguradong malalasog lasog, okay~?" Nag madali na silang lahat pero pinanatili na nilang wala parin sa kanila ang gumagawa ng kahit na anong ingay.


*Tik tak tik tak* Karamihan ay naiiyak na ng dahil sa hudyat na iyon. Hudyat na isang minuto na lang ang meron sila. Ang ibang estudyante at mga guro na nakalabas na sa blue line ay hinatak ng mabilis ang mga kasamahan ngunit sa kasamaang palad...


Na tapos ang isang minuto. Naghalo ang mga sigaw at ang tunog ng makina na dumudurog sa buto at nag yayasak sa laman ng kulang kulang isang daang estudyante at eksaktong apatnaput isang mga guro.

Truth or DeathWhere stories live. Discover now