XYRILLE
"Xyrille!" Tawag saakin ni Aliza. Hindi ko sya nilingon at nag patuloy lang ako sa pag-lalakad. Pumasok ako sa dorm ko at naupo sa kama. Buti na lang ay may fifty ako sa bulsa at na-bayaran ko agad si manong, di ko nga rin alam bakit ako may fifty sa bulsa eh.
Lumapit ako sa study table ko tsaka pinag-masdan ang larawan namin nila Yessiah nung una pa lang akong napa-sama sa grupo nila. Si Yurei unang kita ko pa lang sa kanya ay crush ko na sya, pero ngayon ay parang nawala agad agad ang feelings ko sa kanya. Bakit? may napag-tanto ako dahil sa mga nangyari kanina. Yung babaeng parang bulag ay girlfriend ni Kuya Jaehan, paano ko nalaman? Yung nasa picture frame na babae yun na yun ang babae kanina. Lagi nya yung hinahalikan nung nabubuhay pa sya kaya alam ko na girlfriend nya yon. At si Killer... yung babaeng wallpaper ni Yurei ay pakiramdam ko iisa lang. pero wala pa akong matibay na ibedensya, kaya mystery parin sya. parang mag kahawig kasi si Killer at si babaeng bulag. Like gets nyo? Maamo yung mukha ni babaeng bulag habang fierce naman si Killer. Kaya lalo akong naguguluhan.
Kinuha ko ang frame at tinanggal ang photo. Tinupi ko ito sa gitna tsaka nilagay sa notebook ko na hindi ko naman masyadong ginagamit. Wala naman kasi akong dahilan para itapon ang picture na yon, ang tanging dahilan ko lang ay ang Killer.
Naligo na ako at nahilata muna ako sa kama. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Dahil gusto kong matuklasan ang dahilan ng Killer at ano nga ba ang koneksyon nila Yessiah sa kanya.
YESSIAH.
"Di nya ako pinansin, bes." Bungad saamin ni Aliza. "Maybe she's thinking about something." Suhestyon ni Ate Sekushi. Teka saan ba sya pupunta? Bakit sya naka black suit? "Where are you going, Onesan?" Tanong ni Yurei.
"Shall I be the one, to ask you that?" Naka-ngiting sabi ni Ate Sekushi. Oo nga ang gwapo nya sa porma nya ngayon. "Nevermind." Hay ayan nanaman sya sa mga sagutan nya. "By the way, I have a mission." Sabi saamin ni Ate Sekushi at kinindatan kami. Tong mag kapatid na to.
Sabay silang lumabas dalawa, pag labas nila ay sumunod naman ang secretary ko. "Ano yon, Gaelle?" Tanong ko sa kanya. "President, we saw Kevine Imperial's dead body at the pool. And... we saw this envelope." Sabi nya at inabutan ako ng sobre na nasa loob ng isang resalable pack. Nanginginig ang kamay ko ng mahawakan ko ang inabot nya. Sinenyasan ko sya na umalis na, gusto kong kami lang ang maka-alam nito. Binuksan ko ang resalable pack, nag suot ako ng gloves upang hindi malagyan ng finger prints ko ang sobre.
"Open it, Yessiah." Bossy na utos ni Callix. I slowly open the envelope and saw a black paper inside. The words are written using blood, amoy pa lang ay alam na. I open it then start reading it.
Natahimik ako pagkatapos kong mabasa ang sulat. Buttons? Takte napaka hilig talaga nyang manakot. "Who's buttons?" Tanong saakin ni Callix. Nag-kibit balikat na lamang ako. Kailangan ko syang mapuntahan. Kayang kaya ko na syang puntahan ngayon dahil na track ko na ang address nya.
YOU ARE READING
Truth or Death
Gizem / GerilimREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...