"Magdalena Asuncion." Sambit ng isang lalaking pulis habang sinesenyasan ang matabang guro na pumasok sa loob ng isang kwarto.
Pumasok ang guro sa isang kwarto na walang kahit na ano maliban sa isang maliit na lamesa at dalawang magkaharap na upuan. Naupo ang guro sa kabilang upuan.
"Good morning. May name is Zeke. Kamusta ang tulog mo, Ma'am?" Sambit ng isang lalaki pagpasok nito sa pinto at nginitian ng matamis ang guro. Naupo sya sa tabi nito at ipinatong nya ang isang cellphone sa lamesa. "Maayos naman kaso bakit ba kasi kami andito sa prisinto, Sir.?" Magalang na sabi ng guro.
"May mga itatanong lang ako sayo, Ma'am. Saglit lang naman to kung sasabihin mo saakin kung ano ang nangyari one year ago sa camping ng St.Eves University." Sabi nito at mas tinamisan pa ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ahh yun ba? Ano kasi... na tatakot akong sabihin kasi baka malaman nila ma'am... tauhan lang rin ako." Sabi ng guro habang kinakagat ang kuko nito.
"Hmmm. Wag kang mag-alala hindi ka naman nila masasaktan, basta sasabihin mo ang mga nalalaman mo, Ma'am." Sabi ulit ng lalaki sa naniniguro nitong boses. "Maniwala man po kayo o hindi wala talaga akong ginawa." Sabi ng guro, mukha namang napanatag ang loob nito na mag kwento.
"Hmm.. sige mag kwento ka lang at makikinig ako." Sabi muli ng lalaki. Nakatitig ang kanyang matalim na mata sa guro. "Pero bago pa kami pumunta sa camp site narinig ko na nag-uusap sila Yessiah at sila Ma'am Shai yung principal namin..." Sabi ng guro habang nakatitig ang naluluha nitong mata sa matatalas na mata ng lalaki.
"Anong pinag-usapan nila?" Tanong nito sabay subo ng isang lollipop. "Tungkol kila ano.. Zingao. Yung tatlong batang babae na ang gaganda at ang tatalino ng mga batang yon hahaha." Sagot ng guro habang patawa tawa pa. "Sabi ni Yessiah kailangan raw maging sya ang president sa lalong madaling panahon. Ang sabi nya para raw yon sa international exam ata yon." Pag-papatuloy nito habang hinihimas ang baba.
"Oh tapos? Anong sabi? I mean anong connect?" Sunod sunod na tanong ng lalaki at ngalumbaba. "Ahh. Ang narinig ko lang ay ganito..."
"Mama, I need to kill that brat sa lalong madaling panahon! Papasok din sya sa international examination and I'm sure that she will pass it." Aligagang sabi ni Yessiah habang pabalik balik na naglalakad. "Can you please calm down? One month pa naman yon! Mag kakaroon tayo ng camping, right? Why don't we do it there?" Seryoso at nangungumbinsing sabi naman ng Principal. "Oo nga naman, nak." Pag-sangayon naman ng kanyang ina. "Okay how will we-"
"Magdalena? Come in."
"Yon pag-pasok ko ay hindi naman na nila napag-usapan. Kahit na nung lumabas ako ay hindi ko na narinig pa." Sabi ng guro at kumamot sa ulo nito. "Nung camping naman naka toka ako sa pag aayos ng tent sa bungad ng kagubatan. Kasama ko noon ang isa sa mag kakapatid na yon eh. Ganito ang nagyari non."
"Nako, Miss. Lucille mukhang uulan pa ata." Bati ng guro sa panahon. "Wag naman sana." Sabi ng babae habang tinatali ang maikli nitong buhok. Tumunog ang telepono ng dalaga at halatang nataranta ito. "Sige, Ma'am mamaya na lang." Paalam ng dalaga at naglaho ng parang bula sa mga matatayog na puno.
YOU ARE READING
Truth or Death
Misteri / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...
