Lahat sila ay kumpol kumpol na naka upo sa iisang lugar. "Mr.Chua! Wala na yung mga bag natin!" Sigaw ni Allodyia habang tumatakbo. "Ano?!" Gulat na bungad ni Mr.Chua. Tumango si Allodyia at Kevine na syang inutusan.
"Saan kaya nila dinala yon?" Tanong nito sa sarili. "Nawawala rin ang sainyo?" Tanong ni Mr.Gadozo. "Oo eh." Sagot nilang lahat.
"Malamang kinuha nila yon para hindi tayo maka tawag sa kung sino." Sabi ni Whinna. "Malamang." Pag sangayon ng lahat.
"Teka mag hahanap hanap lang kami ng pwedeng pag tanungan o di naman kaya kahina hinalang bagay." Sabi ni Kevine sabay hatak kay Arvin. "Halika rito samahan mo ako." Maotoridad na sabi nya.
Habang nag lalakad ay biglang nadapa si Arvin. "Woy ang—hala! Puta!" Pag papanik ni Kevine ng bigla na lamang bumitin patiwarik si Arvin. Pilit nyang inaabot ito ngunit lalo itong tumataas. "Kevine! Ang sikip.." Pag susumamo nito.
"Wag ka kasing magalaw." Napahinto naman si Kevine ng may marinig itong boses.
Lumabas ang isang babaeng may payat na pangangatawan kalbo ito at walang mata, ilong at tenga. Tanging malaking bunganga lang na may mahahabang ngipin ang meron ito.
"S-s-s-sino ka?" Paatras na tanong ni Kevine. Namutla naman ang mukha ni Arvin dahil sa takot. "Ewan ko." Sagot nito habang papalapit ng papalapit. "Ipapakita ko lang sayo kung paano pumatay gamit ang kamay" Sabi nito. Napaka lalim ng boses nito at bawat nganga nito ay may lumalabas na itim na likido galing sa bunganga nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong muli ni Kevine. "Ang ibig kong sabihin papatayin ko si Arvin sa harapan mo." Sagot nito. Maya maya pa ay napa dikit si Kevine sa isang puno na agad naman syang niyakap ng mga ugat nito.
Nag labas ang babae ng isang chainsaw at binuksan ang on nito. "Ayaw ko! Parang awa mo na.. wag!" Pag mamakaawa ni Arvin sa babae habang umiiyak. "Una dapat wala kang awa! Kapag nag makaawa ay lalo kang mawalan ng pake!" Sambit nito sabay putol sa braso ni Arvin. Napa sigaw ito na nag pangiti sa babae.
"Ganyan ko tinuturuan ang mga kapatid ko eh." Dugtong ng dalaga habang tinitignan ang pag tulo ng dugo galing sa pinagputulan ng braso ni Arvin. "Sino ka ba talaga? itigil mo to." Nag ngangalit bagang na sabi ni Kevine. Tumawa ng malakas ang babae.
"Bakit nung mag makaawa ba ako sayo na itigil mo ang ginagawa mo saakin ay nakinig ka? Hindi diba? Kaya hindi rin ako titigil" Parang nababaliw na sabi nya. Kinuha nya ang braso ni Arvin at ibinato ito sa isang naka taling tigre. Agad naman itong inamoy ng tigre at walang pag dadalawang isip na kinain.
Ibinato nya ang naka bukas na chainsaw sa malayo. Maya maya pa ay may narinig silang mahinang sigaw. Humugot sya ng isang malaking kotsilyo. "Pangalawa dapat ay mag mukha talaga silang kawawa." Sabi nito muli habang kinakayod ang laman ni Arvin galing sa pinag putulan nito. Hindi matigil ang binata sa pag sigaw dahil sa sobrang pag hihirap. Si Kevine naman ay hindi na makapag salita.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...
