"Kailangan ko nang maka takas rito." Bulalas ko habang pilit na sinisira ang pinto. Hinahampas at tinutulak ko na ito gamit ang katawan ko pero wala, wala manlang epekto masyadong matibay ang kahoy na to. Napa upo na lamang ako at tumulala."Tsk. Mamamatay na lang ata akong walang kahit na ano rito." Muling bulalas ko at tinanggal ang salamin ko. Pumikit muna ako at sumandal sa pinto. Pagod na ang katawan ko at natuyo na lamang ng panahon ang polo ko. Ilang araw na ata akong naka kulong lang rito at swerte kapag tatlong beses na nag susuot ng tinapay rito yung robot na babae nalimutan ko na ang pangalan nya. Inalala ko naman ang violet na mata ng babaeng kumaladkad papunta saakin dito. Inalala ko rin kung paano nya ako hinatak at kung paano ako pumayag na kaladkarin nya ako. May naalala tuloy ako bigla....
"Hoy, Victor diba ninong mo yung papa nila Luanne? Paano nangyari yon eh sobrang yaman nila?" Tanong saakin ni Kevine habang kumakain sya. Ako naman ay tumawa lang. Malay ko rin.
"Hindi ko alam eh." Sagot ko na lang habang ginagawa ang mga papeles na para sa gagawing club fair. Ako ang secretary ni Luanne pero kung ituring nya ako ay parang bunsong kapatid. Scholar lang rin ako ng pamilya nya kaya talaga namang doble ang hiya ko kapag itinuturing nya akong kasing halaga ng mga kapatid nya.
"Mabait ba sila?" Tanong nya bigla. Inayos ko ang salamin ko at tumango. Hinawakan naman nya ang asul kong buhok tsaka ako nginisihan. "Alam mo yung Earl ng Reyna blue ang buhok non." Biglang sabi nya na tinawanan ko lang ulit. Ano naman ngayon.
"Diba galing ka sa ampunan?" Tanong nya ulit saakin. Bakit ba ang daldal nito ni Kevine? At talaga naman na alam nya pang galing ako sa ampunan. "Oo, pero sabi naman ng nag ampon saakin wala daw kaalam alam ang ampunan kung saan ako galing so... basta, yung mama ko secretary sya ni Sir. Light kaya yun naging ninong at ninang ko sila." Sabi ko sa kanya tsaka tumayo at inilagay sa suit case ang mga mahahalagang papeles.
Nandito nga pala sya sa President's Room dahil may kagaguhan nanaman syang nagawa.
"Aalis na ko. May ipapagawa pa sakin si, Lucille." Sabi ko at nag mamadaling sinuot ang bag ko, nang ma recieve ko ang text nya na kailangan nya ng tulong.
"May boyfriend naman sya bat kailangan ka pa nya eh marami ka na ngang gagawin?" Sabi nya kaya napahinto naman ako. "Okay lang naman sakin na utusan nya ko. Tsaka baka may gagawin si Yurei diba busy lagi ang kaibigan nyo na yun?" Sabi ko na may bahid ng pag ka bitter pa sa boses ko. Lagi na lang syang busy sa kung saan saan hindi nga nya naasikaso si Lucille. Tsk ako na ang halos ang gumagawa ng boyfriend duties nya.
"Sabagay lagi ngang busy yon. Sige na lumayas ka na." Sabi nya ulit na para bang sya ang presidente pero isa lang naman syang lalaking basagulero, walang pangarap at mas aatupagin nya pa ang paglalaro ng online games kesa sa pag aaral nya. Kawawa naman ang magiging anak nya kapag nag mana sa kanya.
"Oo na aalis na ko. Akala mo naman kung sino ka kung maka utos saken." Sabi ko sa kanya tsaka inayos ang sarili ko sa salamin. Tumawa naman sya tsaka hinatak ang gold pin sa uniform ko.
"Bakit A student ka lang pero mag ka lebel lang tayo, tunge." Sabi nya tsaka humagalpak ng tawa. Ako naman ay nakita na lang kunwari mag kaibigan na lang kami.
Pag labas ko ay nakita ko syang nag lalakad. Inaalon ang itim nyang buhok at malamig ang tingin ng kulay intense violet nyang mata sa mga bagay na dinadaanan nya. Suot nya ang uniform nya sa softball at sukbit nya sa braso nya ang bag nya na kinalalagyan ng mga gamit para sa sports na yun. Agad syang ngumisi ng makita ako na naka titig sa kanya. Ako naman ay tumingin sa sahig at kinakabahan na kausapin sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/184687577-288-k360794.jpg)
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...