Xyrille.
Alam kong malaki ang eye bags ko ngayon dahil hindi talaga ako naka-tulog kagabi kakaisip kung ano na ang nangyari kay Yessiah at Ma'am Blanca idagdag mo pa ang misteryosong pagkawala ni Mr. Chua, at sila Allodyia at Aliza asan kaya sila?
Agad akong tumayo sa kama ko ng may marinig akong katok. Binuksan ko agad ang pinto pero hindi si Yessiah ang kumatok kundi si...
"Yurei?" Gulat na gulat ang reaksyon ko. Walang ngiti ngiti syang pumasok sa loob ng dorm ko at prenteng naupo sa mini sofa. Tinitigan ko ang itim na itim nyang buhok. Kinilig ako lalo ng maaninag ko ang sharp jawline nya.
"How are you? The killings are getting shoddier than I thaught" Simula nya sa usapan. Naupo ako sa harap nya at tinitigan ang seryoso nyang mukha. Hay grabe talaga ang pula ng maninipis nyang labi. "Where did you got the news?" I ask him. Tinignan ko ang sharp eyes nya.
"Allodyia." Maikling tugon nya. Hay nako kahit kelan talaga ang tipid nyang sumagot. "Saan ka ba kasi galing?" Ka-kamot kamot ulo na tanong ko ulit. "Somewhere you don't have to know." Hay nako feel na feel ko talaga na may tinatago sila saakin. "Why?" Nalulungkot na tanong ko.
"Microwave this." Pag-iiba nya ng usapan. Hay nako lagi na lang talaga nya akong inuutusan. "Penge ako ha?" Sabi ko sabay tawa. Sinulyapan ko sya at nakita kong nag la-laptop sya. Hmm ano naman kaya ang ginagawa nya ngayon? Pag-katapos kong I microwave ang lasagna na binili nya sa 7/11. Halata naman ayon sa balot haha. Inabot ko na yon sa kanya at bumalik sa lababo para mag hugas. Napa-hinto ako ng marinig na may kinakausap sya.
"Yurei?" Tawag sa kanya ng kausap nya. Naka-load speaker sya?
"Kanojo wa koko ni imasu" Kahit na hindi ko sila maintindihan ay nakikinig parin ako.
"Kanojo?" Malamang ay noun ang pinag-uusapan nila. At ayon sa pakikinig ko, sophisticated ang babaeng kausap ni Yurei.
"Kanojo no futago."
"Do yatte shitta no?"
"Daijina koto janai" Naging seryoso na ang tinig nya. Hmm? Mukhang importante ang pinag-uusapan nila.
"Sodenai baai wa, naze anata wa denwa o shimashita ka?" Naiirita na din ang boses ng kausap nya. Hala hindi kaya nakikipag-break sya? Baka girl friend nya yung kausap nya?
"Kanojo wa koko de hitobito o koroshite iru!" Nako mukhang galit na si Yurei.
"Watashi ni nani o shite hoshi nodesu ka?" Ngayon ay bored na na sabi ng kausap nya.
"Anata ga mae ni shita koto o suru dakedesu." Huling sabi ni Yurei at narinig ko ang pag-baba nya ng tawag.

YOU ARE READING
Truth or Death
Mystery / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...