"Lylani Gozon." Tawag ni Zeke mula sa loob.
Pumasok ang isang babaeng may mahabang buhok at maliit na pangangatawan. "Maupo ka rito, Miss." Utos ni Zeke habang inaayos ang kanyang salamin. Naupo ito sa harapan nya. "Ano bang ginagawa ko rito?" Matapang na tanong nito.
"Teka Miss chill ka lang." Sabi ni Zeke at ngumiti ng napaka-tamis. "Pwede naman tayong mag kwentuhan ng maayos." Sabi nito sa seryosong tinig. "Oh sige, anong gusto mong malaman? Tungkol ba yan sa may-ari ng school namin na gusto nilang huthutan ng pera?" Pabalang na mga tanong ng dalaga.
"Bakit alam mo ba kung sino yon? Marami ang nakapag sabi na walang nakakalam kung sino yon." Seryosong katanungan ni Zeke. "Hindi rin, pero alam ko kung sino ang nakaka-alam..."
"Nag padala nga pala sya ng sulat at kasama na ron ang fund ng school, Ate Luanne." Pamamalita ni Luhille sa kanyang kapatid na ngayon ay seryosong binabasa ang isang magazine. "Talaga? sige nga pakibasa nga para saakin, Meimei." Utos nito.
"Ah okay." Pag sang-ayon naman nito habang kinukuha ang green na sobre. "Eto ang sabi nya.."
"Ni hao, Luanne
How are you? How's the school? Oh and by the way tell to my son that I will go there soon. I wish you're doing fine. Don't let the principal discover about our transaction, that women should know nothing about me. I give an extra money for my son, don't tell him that I'm the one who give the money. Oh and by the way I like your sister for my son"
"Did you hear that, Meimei? He likes you for his son." Natatawang sambit ni Luanne habang naka tingin ang mapang-asar na mata nito sa kanyang kapatid na ngayon ay namumula na parang kamatis.
"Hindi ko naman maintindihan ang usapan nila non kaya umalis na ako. Pag pla-planuhan ko sana kung paano ko sila papatayin.. dahil jan kay Luanne kaya nag pakamatay ang girlfriend ko. Natalo nya kasi sa contest ang girlfriend ko hindi nya yon kinaya kaya ayun pinutol putol nya yung daliri nya." Seryosong sabi nito na ikina bigla naman ni Zeke. "Teka ang tinutukoy mo ba ay yung anak ni Mr.Gadozo? yung lalaking nag wawala kanina? dahil galit na galit sya kay Luanne? Naalala ko lang dahil sa mga sinabi mo." Sunod sunod na tanong ni Zeke habang nakapangalumbaba.
"Oo sya nga. Namatay sya dahil sa gagang yon." Naiinis na sambit nito. "Girlfriend mo sya?" Muling tanong ni Zeke habang naka-ngiwi. "Oo, sya lang naman ang tumanggap saakin. Sya lang ang meron ako noh." Sabi nito at nag buga ng hangin.
"Gusto ko talagang patayin yang si Luanne non, kaso naisip ko hindi naman sinasadya nung tao na manalo. Nagulat nga ako ng marinig kong patay na pala sya.Mabait naman kasi sya at napaka maalaga nya, kaso nga lang masyado syang matalino at talented kaya ayun marami ang galit sa kanya." Mahabang dugtong nito. "Kung papayag na po kayo, lalabas na ako" Sabi nito sa mahinahon na boses.
"O sige makaka-labas ka na.. mag pa assist ka na lang sa kanila." Naka-tulalang tugon ni Zeke. "Sigurado po kayo?" Muling tanong ng babae at kumaway sa harapan ng binata. "Oo sigurado ako." Paglilinaw nya at nag bitaw ng magandang ngiti. Tumango bilang tugon ang babae at umalis na ito.
YOU ARE READING
Truth or Death
Mystère / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...
