"Good Morning... next game will start after 3 hours." Pag bati ni Mizu sa kanila habang hinahanda ang hapag kainan. Ala syete na ng umaga sila nagising at alas otso naman dumating sila Mizu.
"You mean 11:00 am ang start ng new game?" Tanong sa kanya ni Aliza na tinanguan lamang nya. Sinilip naman ni Yessiah ang labas pero hindi na nya nakita ang kanyang hinahanap.
"Nasaan na yung mga bangkay nila, Randolf?" Tanong nya kay Mizu habang inaalog ang katawan nito. "Inalis na namin. Baka mamaho pa sila dito." Sagot nito na may ngiti sa mga labi.
"S-saan ba galing yung tiger? Pinakawalan nyo yon no!?" Hysterical na sabi ni Victor. Sabay tutok ng kotsilyo kay Mizu. "Pasensya na, Victor pero hindi ko alam kung saan galing ang nilalang na sinasabi mo." Monotone na sabi nito. Sinugod sya ni Victor at walang kagatol gatol na sinaksak sa tyan. Ngunit imbis na dumugo ito pag hatak nya ang humilom lang ang sugat.
"Pasensya ulit sayo Victor. Pero masyadong maganda ang pag gawa saakin ni Master Odile." Sabi nito habang kumukurap kurap. "T-The heck..." Bulong nya sakanyang sarili.
Bumulik si Mizu sa kanyang pustura. Ngumiti ito ngunit ibang boses ang lumabas sa kanyang bibig. Mas malambing ito ngunit madadama mo ang otoridad.
"Dahil sa ginawa mo.... After breakfast you'll start the new game..."
KEVINE.
"Gutom na ako... tsk kakairita naman to." Tumingala ako sa asul na langit. Kakainis naman nagugutom na ako pero natatakot akong bumalik don sa gubat baka mamaya mamatay na ako. Tinignan ko ulit ang sugat ko na inipit ko lang gamit ang pinunit kong damit.
Namamanhid na sya nako ano na kaya ang gagawin ko?
Tinapangan ko na ang sarili ko kaya nag lakad lakad na ako sa paligid ng ilog. Ngayon ko lang napansin na meron pa lang mga flag garland ang ilog na to. Pero parang wala naman yan kagabi ah?
Nasa right side kulay green. Tapos yung sunod kulay blue. Sunod kulay yellow. Sunod naman kulay violet. Next ay kulay brown at kulay pink.
Parang mga kulay sa school namin. From freshmen to grade twelve... hmm nakakapag taka naman bat yon ang naisip ng nag lagay non jan.. naalala ko tuloy yung nangyari kahapon... baka next game na kaya may pa ganto?!
Napa takip naman ako sa tainga ko ng maka rinig ng isang putok ng baril. Tumingala ako at nakita ko ang isang itim na lobo... ano yon?
Tumingin ako sa isang parte ng gubat at don ko nakita ang mga freshmen na nag lalakad naka sunod sila sa isang lalaki.. nag tago ako sa likod ng isang malaking bato ng matanaw ko ang mga grade nine.
Nakompleto sila at ang nahuling dumating ay ang mga grade twelve kundi kami yon... nakita ko pa si Callix na andoon sa gilid habang naka pamulsa. Kahapon pa to di nag sasalita eh.

YOU ARE READING
Truth or Death
Misteri / ThrillerREADY TO PLAY THE TRUTH OR DEATH? SA BAWAT TAGO MO NG KATOTOHANAN, KAPALIT AY KAMATAYAN...