Chapter 2

4.8K 117 1
                                    

"What the hell did you do to my office?! Look, ba't puno ng silverdust ang mga dingding?? Pati bubong at sahig nagkalat ang glitters. This reallyㅡ arrgh!"

Napahilamos ng sariling palad ang kanilang guro dahil sa kinalabasan ng opisina nito. Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok sa sobrang frustration sa tatlo.

"Yung mesa ko, holy God! Wala na ang mga papeles kong nakapatong dyaan. Nasaan? Ayun! Pinanggugupit niyo at ginawang design na paper doll sa dingiding! Jusko marimar."

Tikom bibig ang tatlo at tahimik lang na nakikinig sa kanilang propesora.

"At tignan niyo ang ginawa niyo sa pintura ng pader, ba't naalis??" Hindi maipintang mukha na tanong ng guro.

"Ahm, can I answer your questions maam?" Confident na tanong ni Yura.

Tinignan siya ng masama ng propesora.

"What?" Singhal nito dito pero ngumisi lang ang huli.

"Sabi niyo 'pakintabin' namin yung office niyo. Hindi ka ba natutuwa sa nakikita ninyong 'kintab'?" Sarkastiko nitong sagot na mas inemphasize ang 'pakintabin' at tinaas baba pa ang kilay.

Mas lalong sumama pa ang mukha ng propesora kaya hindi na nito nakayanan at bigla itong hinigh blood.

Napadausdos ito sa upuan at sila naman ay biglang nataranta. Tinulungan nila ito na mapaupo ng maayos.

Sa sobrang taranta ni Kane ay binigyan niya ito ng tubig galing gripo at hindi iyon potable!

"Maam! maam! Heto po tubig."

Dali-dali niya naman itong pinainom sa matanda sabay hagod sa likod nito.

At ang matanda naman na walang kamuwang-muwang ay lagok naman ng lagok hanggang sa kumalma ito.

Kahit nanghihina ay dinuro niya ang mga ito.

"K-kayong tatlo... p-pumunta k-kayo sa D-dean's office... n-ngayon n-na." Hinihingal nitong sambit.

Kamot ulong tumango naman ang tatlo.

Lumabas sila sa opisina ng kanilang propesora at nagkatinginan.

Sila? Pupuntang Dean's office? Ha! no way!

Liliko na sana sila papuntang main gate para lumakwatsa pero hinarangan na sila ng isang lalaking mataas pero malamang katawan at malaki ang tiyan.

Napahinto silang tatlo sa paglalakad at slomo na sabay na napaangat ng tingin.

Kita nila kung paano mamula ang mukha ng lalaki sa sobrang sama ng mukha nito at biglang namewang.

"Where do you think you're going? Go to my office, now!" Asik nito sa dumadagundong boses na ikinaatras nila.

Ang Dean pala yung ng university!

Napangiwi silang tatlo at walang nagawa kundi ang sumunod dahil Dean na yun eh.

-

Parang mga matitinong estudyante ang kaharap ngayon ng Dean dahil tahimik lang silang tatlo.

Nakaupo sila sa harap ng mahabang mesa at ang Dean naman ay palakad-lakad sa kanilang harapan habang striktong tinitignan sila isa-isa.

"Now..." sabay tukod ng napakalakas ang mga kamay nito sa mesa kung kaya't napaatras sila ng konti.

"There would always be a consequences every violation. Especially to the three of you." Sabi nito at matalim na tinignan sila.

"W-what violation sir?" Di makapaniwalang tanong ni Yura.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon